Chapter 6: Hickey and Kiss

14.9K 192 0
                                    



Chapter 6: Hickey and Kiss


Vince's POV

Naiinis ako sa sarili ko, nakalimutan kong may masamang nangyari sa kanya nung mga bata pa kami. Bwisit. Bakit hindi ko naalala yun? Gusto kong untugin ang sarili ko sa pader dahil sa katangahan ko kanina.

Kakaiba rin yung naramdaman ko kanina nung niyakap at nung umiiyak siya. Parang kinurot yung puso ko kapag nakikita ko siyang ganun. Kahit nung mga bata pa kami.

Tahimik lang kami sa kotse, medyo awkward ang atmosphere. Sinilip ko si Marie sa rearview mirror ko, nakatingin lang siya sa labas at bakas pa sa kanya yung pag iyak. Binaba ko ang tingin sa leeg niya kung saan nilagyan ko ng hickey

Binalik ko kaagad ang tingin sa kalsada at ngumiti ng palihim. Hininto ko sa mini park na malapit sa school, wala namang tao sa park dahil maaga pa. Bubuksan na sana niya yung pinto pero pinigilan ko siya.

"Ako na." sabi ko. Bumaba na ako at umikot sa pinto ni Marie para pagbuksan siya ng pinto. Nilahad ko yung kamay sa kanya, kita ko ang gulat sa mukha niya sa ginawa ko. Mukhang nagaalangan siyang ilapat yung kamay ko.

Napabuga ako sa hangin nang mahawakan ni Marie yung kamay ko. Hindi ko namamalayan na hindi ako humihinga sa mga minute na iyon.

Nginitian namin ang isa't isa, bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Parang gusto kong halikan ito.

"Nicole, may ibubulong ako sayo" sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako na parang nagsususpetsa.

"Ano yun?" tanong niya sa akin. Napangisi ako ng palihim.

"Basta lumapit ka sa akin" sabi ko. Kahit nagsususpetsa, nilapit pa rin yung mukha niya sa akin. Nilapit ko yung mukha ko na parang bubulong pero agad ko siyang hinalikan sa labi.

Namula agad ang mukha ni Marie sa ginawa ko. Ngiting tagumpay naman ako. Pinalo niya ako sa dibdib na namumula pa rin.

"Ingat ka" sabi ko sa kanya. Binigyan ko ulit siya ng halik sa pisngi bago ako pumasok sa loob ng kotse. Ngumiti ako ng mag-isa nang maalala ko yung mga paghalik ko mula kaninang umaga.

Pinaandar ko na yung sasakyan, tumingin ako sa side mirror. Nandun pa rin si Marie na nakatayo at tulala. Ang cute niya.

Pinark ko na yung kotse kung saan ko laging pinupwesto. Nakaabang na rin ang mga fangirls ko. Ang gwapo ko talaga.

(A/N: yabang no?)

Pagbaba ko ng kotse, may biglang pumulupot sa braso ko. Hindi ko alam pero parang naiinis ako sa paghawak sa braso kaya agad akong napatingin sa nakahawak sa kin.

Camille?

"Hi Vince" nakangiting bati ni Camille sa akin. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.

"Hello din" alanganin kong bati sa kanya. Hinayaan ko na lang siya at pumasok na kami sa loob ng school. Nakarinig agad ako ng tilian at bulungan pero hindi ko pinansin, dere-deretso lang kami maglakad.

AYYYYYYYYYYYY! NANDYAN NA SI VIIINCE. GRABE ANG GWAPO NIYA!!!!!

Sino kasama niya?

Diba si Camille Valdez yan? Ang ganda niya pala sa personal.

KYAAAAAHHHHH!!!!!! BAGAY KAYO!!!!!

Grabe pare, nakita natin sa personal si Camille

Oo nga pare, ang ganda niya

Yan ung naririnig ko sa corridor, tsk! Ang hirap talaga ang maging sikat. Napangisi ako sa naiiisip ko. Napapansin kong walang lumalapit sa akin na babae. Kahit kasi na may kasama akong babae, merong babae na lalapit sa akin.

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now