Chapter 19: Behind Those Sweetness

8.4K 126 1
                                    


Chapter 19: Behind Those Sweetness


Vince's POV


Calling... Gil


"Hello?" bungad ko sa kanya.


"Yow! Pare." natatawa niyang bungad sa akin.


"Bakit?" tanong ko sa kanya. Nandito ako sa sala nakatulala sa TV.


"Punta ka dito sa condo ko, i-cecelebrate natin yung panalo mo." sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.


"Sige, kakain muna ako ng dinner." paalamko sa kanya habang tumayo ako sa sofa at naglalakad papuntang kusina.


"Sige, deretso ka na dito sa condo ko." sabi niya.


"Ok." Binaba ko na yung phone ko at tinignan ko si Marie sa hamba ng pintuan. Napangiti ako nung nakita ko yung cute expression niya kapag nag iisip siya at kapag alam niya kung ano yung susunod na gagawin. Pinapanood ko siyang magluto, kung paano siya kumilos nsa kusina.


"Vince!" sigaw niya ng gindi tumitingin sa bandang pintuan kung saan ako naroroon. Hindi pa rin siya sanay na tinatawag akong Hub. Napabuntong hininga siya na hindi ako sumagot.


"Hub!" sigaw niya sa kin.


"Bakit?" tanong ko sa kanya. Napatalon siya sa gulat sa biglang sagot ko sa kanya, bigla naman ako inirapan ni Marie. Nilapag na niya yung pagkain sa lamesa at umupo. Umupo na ako sa tapat niya at ngumiti ng pagkalawak lawak para mapigilan ko yung tawa ko. Nagsimula na kaming kumain.


SILENCE


Nauna akong natapos at pinanood ko si Marie kumain, alam kong naiilang siya sa ginawa ko. Tumingin siya sa akin at biglang namula yung mukha niya.


"Cute (^^,)" nakangising sabi ko. Lalong namula yung mukha niya. Hindi ko na napigilan napatawa na ako. Nagmamadaling kumain siya. Nang natapos na siyang kumain, kinuha niya yung plato ko at nilagay sa sink. Siya na ang naghugas ng pinggan namin, may naalala ako. Kailangan ko pa pala magpaalam sa kanya. Lumapit ako kay Marie habang busy siyang maghugas at niyakap ko siya sa likuran. 


"Ano ba! Naghuhugas ako eh." gulat niyang sabi sa akin. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya at inamoy yung leeg ni Marie.


"Ituloy mo lang yan. Behave ako promise ^_^" bulong ko sa kanya.


"Hmp! Behave daw. Behave ba yan?" sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin kasi busy ako sa pag-amoy sa leeg niya. Nagpatuloy lang siya sa paghugas at nang matapos na nilagay niya iito sa dish rack kung saan nagpapatuyo ng mga pinggan, tinanggal ko na yung pagkayakap ko sa kanya. Humarap siya sa akin habang nagpupunas ng kamy sa tuwalya. Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya. 

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon