Chapter 5: MISSION FAILED!!

12.9K 188 2
                                    






Chapter 5: MISSION FAILED!!



Nicole's POV





Sinara ko ng dahan dahan yung pinto sa kwarto at gumapang hanggang sa hagdanan. Sinilip ko sa sala si Vince na nanunuod ng TV. Nakaupo siya sa mahabang sofa na nakatalikod sa hagdanan.







Anong gagawin ko??? Kailangan ko magmadali baka malate na ako sa klase. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas sa kanya at para sa aking pusong malapit na mawasak.

Tumayo ako at sinabit ng maigi ang bag ko sa balikat. Gusto niyo bang malaman yung plano ko? Medyo simplihan natin ang page-explain.


Ganito kasi yun:


Dahan dahan akong bumaba sa hagdan hanggang sa likod ng sofa. Hihintayin kong tumayo si Vince sa sofa kasi alam kong maiinip yun lalo na't malapit na yung oras ng pasok namin.

Kapag umakyat na si Vince saka ako kakaripas ng takbo palabas ng bahay at maghanap ng taxi papuntang school.




Hinga muna ng malalim bago sumabak sa gyera. Kinakabahan man ako pero kailangan ko itong gawin.



Sinilip ko ulit si Vince sa baba, mukhang tutok na tutok siya sa pinapanuod niya. One step at a time ang kailangan gawin para hindi masyadong maingay. Tinitignan-tignan ko pa rin si Vince baka biglang lumingon.





SUCCESS SA FIRST STEP! Gusto kong mag-victory dance pero may next step pa ako.




Lumuhod ako sa sahig at gumapang sa likod ng sofa. Nahigit ang hininga ko ng maramdaman kong gumalaw si Vince. Pinakiramdaman ko kung tatayo ba siya o hindi.




Kanta na lang ako ng "Price Tag" sa isip ko at saka bagay sa gagawin ko ngayon.





♫everybody look to their left (<.<)
everybody look to their right (>.>)
can you feel it? yeah! \(^0^)/♫





Nanlaki ang mata ko ng makita ko si manang na nasa bukana ng kusina. Nagtataka yung nakarehistro sa mukha niya kaya dali dali kong tinuro yung pinto si Vince.


Mukhang naintindihan ako ni manang kaya bumalik na siya sa loob ng kusina. Dahan dahan akong nakahinga ng maluwag.

Naramdaman ko na naman gumalaw si Vince sa sofa, pagtingin ko sa taas, nawala na yung ulo ni Vince dun. Nag panic na ako at napadasal na sana huwag akong makita sa likod ng sofa.






"Bakit ang tagal ni Marie bumaba?" rinig kong sabi niya.

Narinig ako ang mga yabag ni Vince kaya dali dali ako gumapang papunta sa gilid ng sofa, sumilip ako sa arm rest at nakita kong paakyat na si Vince sa taas, ng hindi ko na makita si Vince tumayo na ko sabay pagpag sa damit ko



Pumunta agad ako pinto at lumabas, bago ko pa maisara nakita ko pa si manang kaya sumenyas ako na aalis na. Tumango naman si manang, tumakbo agad palabas.




Nagpara agad ako ng taxi at sumakay dun. Napangiti nalang ako mag isa kasi nakatakas na ako kay Vince. Tinapik-tapik ko pa yung dibdib ko. It's ok heart, I got you.

"Kuya, sa ***** University po" sabi ko kay kuya, tumango lang siya at ngumiti. Habang nasa taxi ako nagpunas ako ng pawis at nag retouch ng konti. Ano kaya itsura non kapag bigla akong nawala sa bahay? Napangisi ako, hindi ko ma-imagine.


Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko, kaya dali dali kong nilabas at tinignan ang caller. Nagtataka ako kasi si manang ang tumawag sa akin, sinagot ko kaagad yung tawag baka may sasabihin na importante.





My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now