Chapter 27: Happy... or not?

7.9K 108 2
                                    


Chapter 27: Happy... or not?


Nicole's POV


**kring kring kring kring**


Hmmm...


O.–

–.O

O_O


Time check: 6:00 AM


Inaantok pa ako pero kailangan ko nang pumasok sa school. Tinanggal ko na yung pagkakayakap sa akin ni Vince at saka umupo sa kama. Tama ang nabasa niyo, magkatabi na kaming matulog ni Vince simula nung may nangyari sa amin.


Ipaparenovate namin yung bahay kapag DAW may anak may matatakbuhan yung mga bata at saka magmukhang malaki yung bahay. Hindi muna ako umimik nun kasi wala naman akong magagawa pa. Masyado siyang excited.


Hayyyy....


Tama na nga yung pag-reminisce, kailangan ko nang bumangon para makapaghanda na. Umusod ako hanggang makarating sa gilid ng kama. Tatayo na sana ako pero bigla ako hinila pabalik sa kama, napatili ako sa gulat. Naamoy ko yung pabango ni Vince kaya napatingin ako sa kanya, bigla na lang niya ako hinalikan sa labi.


"Good morning ^_^" bati niya sa akin.


"Good morning din." namumulang bati ko rin sa kanya pabalik. Pinikit ni Vince ulit yung mga mata niya.


"Vince?" tawag ko sa kanya. Kailangan ko ng mag-ayos at alam kong  maaga yung klase namin ngayon.


"Hmmm?"


"Pakawalan mo na ako, kailangan na nating pumasok sa school." mahinang sabi ko.


Siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko na parang ayaw niya pang bumangon sa higaan. Nakikiliti naman ako dahil sa ginawa niya. Napasinghap ako nung kinagat niya pa yung leeg ko.


De javu?


"Naman Vince eh! Ang aga aga." pinalo ko siya sa dibdib.


Ramdam ko yung ngisi niya sa leeg ko, bigla siyang bumangon sa kama. Nakatingin lang siya sa akin habang nakapaskil yung ngisi niya, ako naman ay hinawakan yung bahagi ng leeg na kinagatan niya. Tumayo si Vince mula sa kama at saka pumunta sa banyo, bigla siyang huminto sa hamba ng pintuan na parang may nakalimutan.


Lumingon siya sa akin. "Gusto mong..." napataas yung kilay ko nang binitin niya yung sasabihin niya.


"Gusto mong sabay tayong maligo?"


"Ayoko!" namumulang sigaw ko sa kanya. Kumuha ako ng unan at binato ko sa kanya pero agad naman siyang pumasok sa banyo na tumatawa. Napahiga ako sa kama at inilagay ko yung kamay sa dibdib ko, ang bilis kasi ng tibok nito. Nagulat ako nung biglang sumilip ang ulo ni Vince sa pinto ng banyo.

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now