Chapter 13: Girlfriend >///<

10.1K 140 3
                                    


Chapter 13: Girlfriend >///<


Nicole's POV


KRRRRRIIIIIINNNNGGGG


\(^0^)/


Lunch time baby!!!!!


Excited na ako lumabas >.< kasulukuyang nag-aayos ako ng gamit pati na rin si Claire. Matapos kong ayusin yung gamit ko, hinintay ko si Claire na nagaayos pa. Masyado kasing OC si Claire sa gamit niya. Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong tumili at nagbubulungan.


"Siguro ako yung inintay niya dito"

"Saga ka! Ako kaya, hindi mo ba nakita na sa akin siya tumingin"

"Ang gwapo mo talaga"

" Halika na Vince, mag-lunch na tayo ^_^"


Vince? O.O


Napatingin ako kay Claire, parehas ang aming expression sa pangyayari sa labas ng room namin. Minadali ni Claire ang paga-ayos ng gamit niya at saka kami tumayo. Lumabas na kami ng room, napatingin ang lahat ng babae sa amin. Napatingin ako sa gilid ng pintuan, si Vince nga. Nakasandal lang siya sa doon, lumingon na siya sa gawi ko at saka ngumiti. Pumunta siya sa pwesto ko, kinuha niya yung bag ko at saka hinalikan ako sa noo. Napasinghap ang lahat ng mga tao na nakapalibot sa amin.


>.<


"Mukhang kailangan kong humiwalay sa inyong dalawa. Nics, mauna na ako ah?" ngiting paalam niya sa akin. Ngumiti sa kanya si Vince.


"Sige, kita na lang tayo sa classroom ^_^" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at saka umalis na.

Nagulat ako bigla na lang niya hinawakan sa kamay at hinila niya ako papuntang cafeteria. Bigla na lang nahati ang mga babae na nakakumpol sa harap ng room namin. Habang naglalakad kami halos lahat ng madadaanan naming babae eh masasama ang tingin sa akin kaya medyo nagtago ako sa likod ni Vince. Mukhang alam niyang hindi ako komportable sa masasamang tingin nila kaya pinisil niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Binigyan niya lang akong matamis na ngiti na kaya nawala yung takot ko.

Nang makarating kami sa cafeteria, halos lahat ng estudyante ay napatifil sa pagkain nila ng pumasok kami ni Vince. Lalo akong nagtago sa likod ni Vince dahil doon. Mukhang nakahanap na si Vince ng mauupuan kasi bigla na lang niya ako hinila. Pinaupo niya muna ako.


"Dyan ka Marie, kapag umalis ka dyan hahalikan kita kung san kita nakita." banta niya sa akin. Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya. Hinalikan niya muna ulit ako sa noo bago naglakad papunta sa counter. Nakayukong gumuguhit ako ng bilog sa table gamit ng kamay ko kasi mukhang matatagalan siya dahil maraming tao ngayon sa cafeteria.

Kumunot yung noo ko ng makita kong may tao sa tapat ko. Tumingala ako, nakita kong nakataas ang kilay ni Camille sa akin. Tinaasan ko din siya ng kilay, akala mo hindi kita uurungan? Palaban kaya to.


"Hi~ ang kapal ng mukha mong sungkitin ang boyfriend ko." plastic niyang pagkakasabi sa akin. Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Sungkitin? Boyfriend? Asawa ko kaya yung boyfriend na sinasabi mo >.< mas makapal ang mukha niya. Hmp!

My Famous Husband (COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ