Chapter 15: Tug of War

9.8K 140 2
                                    


Chapter 15: Tug of War


Nicole's POV


Errr... Nakakailang yung tingin nila. Nagsisi  na ako sumabay sa pagpasok kay Vince, papatayin ako sa tingin ng mga babae dito eh. Kahit saan akong lumingon may mga babaeng matatalim ang tingin. Nasaan na ba si Claire? Kailangan ko ng tulog niya ngayon, mamatay na ako dito >.<


Nakasalubong namin si Camille kasama yung  mga alipores niya, syempre kailangan niya ng mga kakampi kung sakaling nagkagulo na. Inirapan nila ako at binangga pa kaya muntik na ako matumba, buti na lang  nasalo ako ni Vince kundi may kissing scene kami ng pader. Napatingin ako kay Vince para magpasalamat sana pero masama ang pagkakatingin niya kay Camille.


"Hey! Ingat naman." sabi niya kay Camille. Inismaran lang kami ni Camille at tinuloy lang ang paglalakad nila. Inayos na ako ng tayo ni Vince at hinawakan ulit sa kamay. Naglakad kami hanggang nakarating ako sa room ko. Binigyan niya ako ng halik sa noo bago siya umalis.


Pumasok na ako sa loob at nakita ko dun si Claire na nakalumbaba sa upuan niya. Siguro iniisip niya yung kalagayan ng lola niya, napamahal na kasi siya dun eh. Kapag kasi nasa business trip yung magulang niya, sa lola siya nakikitira pansamantala habang wala pa yung mga magulang. Lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya ng mahina, humarap siya sa akin na may malungkot na ngiti. Ngumiti rin ako sa kanya at umupo sa tabi niya.


"Problem?" tanong ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin bago magsalita.


"Uuwi ako this Saturday." biglang sabi niya sa akin.


"As in?" gulat na sabi ko sa kanya.


"Yeah. Ok ka lang ba dito?" tanong niya sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya. Wala akong magiging kasama dito sa school kasi aabsent siya. Teka, Hanggang kailan siya doon?


"Oo naman ^_^ pero hanggang kailan ka doon?" tanong ko sa kanya.


"Hindi ko alam eh. Babalik naman ako agad eh ^_^" siguradong sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ok na yun sa akin, babalik namna siya eh. Nag-usap pa kami ni Claire na kahit na anong topic nang biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko ito at binuksan yung message.


From: Troy

Ok na ba?


Ooopss... nakalimutan kong sabihin na pumayag na si Vince pero kailangan kasama siya. Nagreply ako sa kanya yung naging desisyon ko.


To: Troy

Yes. Pero kailangan kasama si Vince. Ok lang ba?


Napatingin ako kay Claire at nakita kong nagtatanong yung mga mata niya. Bumuntong hininga ako at nag-kwento tungkol sa text na iyon. Alam niyo ba yung sinagot niya? Yung nakakabinging...


"WHAT!?" Tinakpan ko kaagad yung bibig niya at nag peace sign sa mga taong tumingin sa amin. Pinakalma ko muna si Claire bago ko kinausap.

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now