Chapter 14: Will you let me?

10.3K 141 0
                                    


Chapter 14: Will you let me?


Nicole's POV


Nandito ako ngayon sa kwarto at ginagawa yung homework ko sa dalawa kong subject. Sinundo ako kanina ni Vince katulad ng sinabi niya pagkatapos nun dumiretso na siya sa shooting nila. Buong araw akong binibwisit nang bruhang Camille na yon, ang saaaaaaaarrrrrrrrraaaaaaaaaaappppppp ibaon sa lupa >.< paano ba naman kasi!? puro parinig nang parinig sa akin. Buti na lang mabait ako at hindi ko pinansin yung pinaggawa niya.


Nang matapos na yung homework ko, humiga na ako sa kama at naglaro nalang games sa phone ko. Bigla nalang nag vibrate kaya kahit ayokong tumigil sa paglalaro tinignan ko na kasi baka importante din.


Hmmm


O_O


From: Troy

Musta na?


Hala! Anong gagawin ko? Anong maiisasagot ko sa kanya? At mejo nahihiya pa ako sa kanya kasi mukang pinaasa ko siya. Gusto niya pala ako makausap.


To: Troy

Ok lang. Ikaw?


Maiksing reply ko sa kanya. Baka nasasaktan siya ngayon. Mabilis naman siya nagreply sa akin.


From: Troy

Eto nagdadalamhati dahil sa sawi kong puso


Napakagat ako ng labi sa text niya, nasaktan ko na siya dahil sa kumakalat sa school. Iba na talaga yung panahon ngayon. Magrereply na sana ako pero bigla nalang nag-vibrate yung phone ko. Nakita kong nagetxt ulit si Troy..


From: Troy

Sorry kung nagdradrama ako ngayon pero i need to talk to you tomorrow sa gym, if ok lang sa'yo. Please?


Nagdadalawang isip ako sa text niya, natatakot kasi ako kay Vince sa magiging reaction niya. Pero kailangan ko nang matapos ito para wala nang mangyayari hindi kanais-nais. Tinext ko na yung magiging sagot.


To: Troy

Sige, I'll see you tomorrow ^_^


Huminga ako ng malalim. Sana tama ang aking desisyon.


From: Troy

Thanks ;)


Napangiti ako sa reply niya. Ang pro-problemahin ko na lang, kung pano kukumbisihin si Vince na gusto kong kausapin si Troy bukas. Ayoko namang tawagan siya habang nagshoo-shooting sila baka makaistorbo lang ako. I-text ko na lang kaya siya kung anong oras siya uuwi mamaya? Tama tama!! Yun nalang para kunyaring nag-aalang housewife hihihi~


To: Vince

Anong oras uwi sa shooting?


My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now