Chapter 35: Doubt and Good News

7.8K 119 1
                                    



Chapter 35: Doubt and Good News


Nicole's POV


"Nics!!! Tumigil ka nga paroon't parito mo." singhal sa akin ni Claire. Napaupo ako sa gilid ng kama namin at napa buntong hininga. Nang malaman ko na buntis ako, hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Kaya kanina pa ako palakad lakad.


*sigh*


"Paano na ito? Sasabihin ko ba kay Vince?" tanong ko sa kanya. Napabaling naman agad sa akin si Claire na parang may sinabi akong masama.


"Oo naman! Para malaman niya na magiging tatay na siya. Bakit naman hindi?" tanong niya naman sa akin.


"Paano kapag hindi niya tatanggapin itong nasa sinapupunan ko? Paano kapag ipalaglag niya ito? Paano ka-mmmmmp!" hindi na naituloy yung sasabihin kong bigla niyang tinakpan agad yung bunganga ko.


"Shhhh! Ok lang yan. Hindi niya magagawa yun. Mahal ka nung tao. Tatanggapin niya yang nasa sinapupunan mo." sabi niya sa akin. Napabuga ako ng hangin bago magsalita.


"Sige"


"But first, tawagin mo muna si Vince." sabi ni Claire. Tumango na lang ako at kinuha yung phone ko sa bag at tinawagan si Vince. Ring lang ng ring yung phone ni Vince. Kinakabahan ako sa bawat pag-ring ng phone niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang sumagot na siya.


"Hello?" bungad niya sa akin.


"Hi." bati ko pabalik.


"Bakit?"  tanong niya sa akin.


"Ano.. Uhmmm. Ano oras ka uuwi mamaya?" medyo nauutal kong sabi sa kanya.


"Maya maya pang mga 9. Bakit?"  halata sa boses niya yung pag-aalala sa akin. Napangiti naman ako sa boses niya.


"May sasabihin kasi ako sayo, hindi ko alam kung good news or bad news sa iyo ito." tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya.


"Ano ba yun? Pwede mo naman sabihin dito sa phone?" suggest niya pa sa akin.


"Ayaw. Gusto ko sabihin sa iyo ng personal."


"Sige, uuwi agad ako pagkatapos ng shooting." 


"Sige. Ano Vince.."


"Ano yun?"


"Pwede bang magdala ka ng strawberries?" natawa si Vince sa tinanong ko sa kanya. Nag-cra-crave kasi ako doon eh.

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now