Chapter 8: Deal?

13.1K 169 0
                                    


Chapter 8: Deal?

Nicole's POV

Dumeretso ako sa aking kwarto pagkalabas ko sa kwarto ni Vince. Humiga agad ako sa kama at pumikit. Naalala ko ang nangyari kagabi. Dumilat ako at saka napabuntong hininga. Past is past.

Tumingin ako sa orasan. 6:45 am, oras na para mag ayos at makapasok na sa school. Tumayo ako at dumeretso sa banyo. Nakita ko sa salamin ang pasa ko sa gilid ng labi dahil sa halik ni Vince at pugto rin ang mga mata ko kakaiyak.

Napabuntong hininga ako. Pumasok ako sa shower para makaligo na. Pagtapos kong maligo, nagbihis na ako at nagayos. Nilagyan ko ng konting concealer yung gilid ng labi ko.

Ready to school na, kinuha ko na yung shoulder bag at saka bumaba. Nakita ko si manang sa sala na nagwawalis.

"Good Morning Manang!" bati ko kay manang. Napangiti si manang.

"Good Morning din Hija, kumain ka na ba?" tanong naman sa akin manang. Tumango naman ako bilang sagot. Tumititig si manang sa aking mukha, naiilang naman. Nagulat na lang ako nung lumapit sa akin si Manang kaya napaatras ako, sinusuri niya yung mukha ko at saka lumayo sa akin.

"Parang nagbago sa mukha mo. Nagmake-up ka ba?" sunod sunod na tanong ni manang sa akin. Napalunok ako nang wala sa oras.

"Nag-ayos lang manang" alibi ko kay manang. Ilang minuto akong tinititigan ni manang bago siya umalis sa mukha ko.

"Ganun ba? Bakit ka naman nakamake-up?" tanong niya sa kin. Napabuga ako nang hangin, buti na lang hindi niya nalaman na nagsisinungaling ako.

"Baka may date po ako mamaya. Alis na po ako, pakisabi kay Vince na nauna na akong umalis. Bye Manang" nagmamadaling sabi ko sa kanya. Tumango lang si Manang at saka ako umalis. Nagpara ako ng taxi papunta sa school, naalala ko bigla yung nangyari kahapon. Yung itsura ni Vince na galit na galit.

Dalawang beses ko nang nakitang galit si Vince. Ano ba ginawa ko at bakit siya nagagalit?

Pagkarating ko sa school dumeretso na agad ako sa room, hinanap ko kaagad si Claire. Nakita ko siya sa gilid na nagbabasa ng pocketbook, nilapitan ko siya at tumabi. Napatingin siya sa akin. Binaba niya yung binabasang pocketbook bago humarap sa akin.

"Problem?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako at saka nagsimulang magkwento.

*******

"ANO!?" sigaw niya sa akin. Dali dali kong tinakpan yung bibig ni Claire. Tumingin ako sa paligid ng classroom, namumula akong ngumiti sa kaklase ko nang tumingin sila sa gawi namin.

"Shhhh... Wag kang maingay. Relax ka lang ok?" sabi ko sa kanya.

"Paano ako makakapagrelax eh muntik ka ng cdgfqeyqwfguhjvsafd" Tinakpan ko yung bibig niya kasi nakakahiya sa mga kaklase namin. Napatingin ako sa paligid ulit at nakita kong nakatingin sila sa amin, nag peace sign na lang ako at pinakalma ulit si Claire. Tinanggal niya yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Naging seryoso yung tingin ni Claire.

"Sa tingin ko nakakagusto na sayo si Vince." biglang sabi niya sa akin. Nabulunan ako kahit wala naman akong kinain o ininom. Magkakagusto? Si Vince? Sa akin? Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Imposible" sabi ko sa kanya habang tumatawa ulit ako. Hindi ako aasa kay Vince na magkakagusto siya sa akin. Napatigil lang ang tawa ko nang may narinig akong tilian

Napatingin ako sa bintana, nakita ko si Vince na kasama si Camille. Siya ba may gusto sa akin? Psh, imposible talaga.

Dumating na yung prof. Namin. Kumuha na ako ng notebook ko at susubukang makinig.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon