Chapter 30: Threats

7.7K 110 1
                                    


Chapter 30: Threats


Nicole's POV


Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto, nag-unat ako ng konti at nasagi ko yung paa ni Vince. Dumaing siya at lalong hinigpitan yung pagkakayakap sa akin sa bewang. 


Tinignan ko sa orasan kung anong oras na.


6:30 A.M


Maaga pa. 9:00 pa yung pasok namin. Dahan-dahan kong inangat yung braso niya, umusod ako hanggang nasa gilid na ako ng kama. Nilapag ko yung braso niya sa dati kong pwesto at saka umupo. Tumayo na ako at saka nag-unat ulit. Napatili ako nang biglang may humila sa akin pabalik ng kama.


"Shhh... natutulog yung tao." sabi niya habang pinulupot niya yung mga kamay sa bewang ko. Ang pwesto ko ngayon ay nakapatong ako sa kanya habang ang dalawa kong mga paa ay nasa magkabilang gilid ng tagiliran niya.


"Naman Vince eh. Nakakagulat ka." sabi ko. Inangat ko yung sarili sa pamamagitan kamay ko na tinungkod sa dibdib niya.


"Sorry. Balik ka na sa pagkakatulog, maaga pa." sabi niya sabay kabig ng ulo ko palapit sa dibdib niya.


"Pero Vince nagugutom na ako." sabi ko. Biglang kumalam yung tyan ko bilang patunay na nagugutom na ako. Hindi siya sumagot, inangat ko ulit yung katawan ko pero lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap sa akin.


"Vince naman eh." sabi ko sa kanya.


"Hmmm?" tanging sagot niya lang.


"Nagugutom na ako." inis na sabi ko sa kanya.


"5 minutes"


"Vince!" napabuntong hininga siya. Umupo siya sa kama at ako naman ay nakakandong sa kanya. Niyakap niya ulit ako, nilagay ni Vince yung mukha niya sa leeg ko at inamoy-amoy ito, minsan naman ay hinalik-halikan. Napatigil lang ito ng biglang kumalam ulit yung tyan ko.


Napabuga siya ng hangin at saka tumayo kasama ako, kumapit ako bigla sa leeg niya. Hinalikan ni Vince ako yung noo ko bago niya ako inupo sa kama. Dumeretso siya sa banyo pagkatapos niya akong halikan labi. Kinuha ko yung phone sa bedside table namin dahil narinig ko itong tumunog. Napakunot naman yung noo ko ng may nakita akong unregistered number sa phone ko.


Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng masamang pangitain nung tignan ko ito. Iwinaksi ko lang ito sa isip ko, wala namang masama kung tignan ko ito diba? Pinindot ko yung message at nanlaki yung mata ko sa nakita kong message.


From: Unknown

You'll gonna pay what did you do to me!!!


Kinalibutan ako sa nabasa ko. Nabitawan ko ito sa kama, nanginginig ako sa sobrang takot. Maraming tanong ang umiikot sa isip ko. Sino siya? Kinuha ko ulit yung phone ko at pinindot yung reply.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon