Chapter 18: Let Start ^_^ \m/

9K 129 0
                                    


Chapter 18: Let Start ^_^ \m/


Nicole's POV


Hmmmm...


Naramdaman kong may nanggigising sa akin pero hindi ko pinapansin kasi pagod pa ako mula kahapon. Kinuha ko yung unan at nilagay ko sa ulunan ko para iparating sa kanya na ayokong maistorbo ng pagtulog. May narinig akong tumatawa at alam kong si Vince yun.


"Gising na, wife. Magluluto ka pa." gising sa akin ni Vince. At saka anong magluluto? Nandyan naman si manang eh, tinatamad pa kong bumangon para ipagluto si Vince ng almusal.


"Hmmm... Nandyan naman si manang eh." katwiran ko sa kanya. Napatawa nama si Vince sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa sa sinasabi ko? Kahapon pa siya ah.


"Wala po si manang dyan, pinag day off ko po."


O_O


Napabangon ako bigla sa sinabi niya. Napatawa naman siya ulit sa naging reaksyon ko. Wala akong pake kung ano man ang itsura ko. Bakit niya pinag day off si manang? >.<


"Nasaan si manang?" tanong ko sa kanya. OMG! nagising yung diwa ko doon ah. >.<


"Nasa probinsya. Nagpaalam naman siya sa akin kagabi nung tapos ka ng kumain at pumunta sa sala." paliwanag niya sa akin.


"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin!?" histerikal kong tanong ko sa kanya. Amuse na amuse yung mukha sa tinanong ko.


"Nakalimutan ko." natatawang paliwanag niya sa akin. Napakamot ako sa ulo dahil sa narinig ko mula sa kanya. Humiga ulit ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Dinalaw ako ng katamaran ngayong araw, ayokong magluto.


Sa mga hindi pa nakakaalam. Marunong akong magluto kasi tinuruan ako ni mama nung bata ako, marami na nga siyang naiturong putahe sa akin eh pero nakakatamad lang atalaga ngayon.


"Hey! Bumangon ka na. Hahayaan mo bang magutom yung husband mo?" konsyensya niya sa kin.


"Ayokong magluto." tipid kong sabi sa kanya. Sinubukan ko ulit bumalik sa pagkatulog pero may nang kukulit sa akin.


"Baka may nalilimutan ka." sabi niya sa akin.


Ano ba yung malimutan ko? At kailangan pang ipaalala ni Vince.


Hmmm...


(>.>)

(<.<)

(–_–)a

O_O


Yung bet pala namin kahapon, jeez, sa lahat ng nakalimutan yun pa, kahit tinatamad ako ngayon kailangan kong gawin yung pinagawa ng magaling ko asawa. Note the sarcasm there. Inalis ko na yung kumot na nakatakip sa mukha ko, unang bumungad sa kin ay yung mukha ni Vince na nakangisi.

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now