Chapter 39: Premiere Night

9.4K 115 1
                                    


Chapter 39: Premiere Night


Nicole's POV


Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Isang red dress na hanggang itaas ng tuhod, may shear design mula leeg hanggang sa mga manggas at may three fourth na manggas ang suot ko sa premier night ngayon.


(See the picture)


*sigh*


Kinakabahan ako sa gabing ito. Ngayon lang kasi ako a-attend ng ganitong klaseng event sa buong buhay ko, madalas kasi na kasama ni Vince yung naging leading lady niya. Sana walang mangyaring masama.


Yumakap mula sa likuran si Vince at hinalikan ako sa leeg. Tumingin siya sa salamin, hinaplos niya yung tyan ko. May small bump na kasi, pero hindi masyadong halata.


"Ready ka na ba?" tanong niya sa akin. Sumandal ako sa kanya at napa buntong hininga.


"Pwede bang hindi ako sumama?" sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinasabi ko.


"Hindi pwede. Wala akong date." sabi niya sa akin habang hinalik-halikan yung leeg ko.


"Naman eh >3<" Hinarap niya ako at hinalikan sa ulo.


"Relax, nasa tabi mo lang ako. I'll protect you from my fans"


"Halika na, para matapos na itong event na ito. Pag-uwi natin, bilhan mo ako ng strawberry" sabi ko sa kanya.


Kinuha ko yung purse sa kama at humarap kay Vince. Nakangiting kinuha niya yung kamay ko at naglakad palabas ng kwarto namin, nagpaalam muna kami kay manang bago dumeretso sa limousine na nakaparada sa harap ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi muna ako pumasok.


Humarap ako kay Vince, hinatak ko siya palapit sa akin at saka hinalikan, mukhang nagulat si Vince sa ginawa ko pero hinalikan niya rin ako pabalik. Nilagay ni Vince yung mga kamay niya sa bewang ko at nilapit lalo sa kanya.


Ilang saglit pa, ako na ang humiwalay sa kanya dahil hindi na ako halos makahinga. Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mata na parang nasiyahan siya sa ginawa ko.


"Eeeeh... Huwag mo akong tignan ng ganyan, kinakabahan ako eh. Kuha lang ako ng energy." paliwanag ko sa kanya na namumula yung pisngi ko.


"Ang sarap mo naman kumuha ng energy mula sa akin." tukso niya sa akin. Hinampas ko siya ng purse ko saka pumasok sa limo, sumunod siya sa akin kaya magkatabi kami sa loob. Umandar na yung limo papunta sa destination namin, kumuha ng champagne si Vince at saka binuksan. Naglagay siya sa 2 wine glass at binigay niya sa akin yung isa.


"Here, drink that baka sakaling mawala yung kaba mo. Cheers!" sabi niya sa akin habang nakataas ng konti ang wine glass na hawak niya.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon