Chapter 40: Happily Married

10.2K 122 0
                                    



Chapter 40: Happily Married


Nicole's POV


Wedding jitters.


Dios mio! Kinakabahan talaga ako. Ikakasal na kasi ako ngayon kay Vince at ramdam ko ang wedding jitters na sinasabi nila.


Lumingon ako sa gilid para makita ko sila mama at mom. Nakangiti sila sa akin, alam nila kung anong nararamdaman ko kasi naranasan nila ito.


"Relax ka lang hija." sabi ni mama.


"Huwag kang mag-alala ganyan din kami nung ikinakasal." sabi naman ni mom.


*sigh*


Hinaplos ko ang tyan na ngayong lumalaki na. I'm 5 months pregnant at nagpapasalamat ako sa Diyos kasi walang nangyari sa amin noong araw na iyon.


*Flashback*


Bang!


Minulat ko ang mga mata ko, tumingin agad ako kay Vince at hinarap siya sa akin, kinapa ko kung natamaan ba siya o hindi ng bala. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko, tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin at saka umiling, nakahinga naman ako ng maluwag.


Napatingin ako kay Camille na ngayon ay nakahandusay sa lapag. Nagtaka ako kung bakit siya ang napatay imbes na si Vince.


"Tumawag ka ng hospital dali." nanginginig na sabi ko.


Dali dali namang tumawag si Vince ng ambulansya habang nakayakap siya sa akin. Dumating ang mga security guard, mukhang narinig nila ang putok ng baril kaya nagtanong sila sa amin kung maayos lang kami.


Sa buong oras na iyon, tulala ako sa mga nangyayari. Napagod ako kaya humilig muna ako sa balikat ni Vince bago ko natulog.


*end of flashback*


*sigh*


Nagising na lang ako nung nasa hospital, nakahawak si Vince sa kamay ko katulad ng dati. After that, inasikaso na namin ang nalalapit na kasal, hindi binanggit sa akin ni Vince kung anong nangyari nungg araw na iyon.


"It's time." sabi ng wedding coordinator namin. Tumayo na ako, nakita ko si Claire na nasa pintuan, buntis din siya katulad ko.


"Let's go bride, iniintay ka ng groom." biro sa akin ni Claire. Natawa na lang kaming dalawa at naglakad na kami palabas sa hotel na tinutuluyan namin. Alam niyo na naman ang mga matatanda, naniniwala sa pamahiin.


Pumasok na kami sa bridal car para dumeretso sa simbahan kung saan pagdadarausan ang kasal. Hindi ako mapakali sa upuan dahil sa sobrang kaba ko.

My Famous Husband (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz