Chapter 38: Relief

8K 124 1
                                    


Chapter 38: Relief


Vince's POV


Palakad-lakad lang ako sa labas ng Emergency Room kung saan dinala si Marie. Ilang oras na kasi na kasi siyang nasa loob ng ER.


"Vince!!!!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko, nakita ko kaagad sila Mom at Dad, parents ni Marie at ang bestfriend niya kasama yung boyfriend.


"Kamusta na si Nicole?" tanong agad ni Mama sa akin. Napabuntong hininga naman ako.


"Ok lang po. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Sana ok lang ang baby namin." dere-deretsong sagot ko sa kanila. 


"Baby?"


"Ibig sabihin..."


"MAGKAKA-APO NA KAMI!!!!?" sigaw nila. Napangiwi ako, hindi pa pala nila alam na magkaka-apo na sila. 


"Opo." tinapik ako nila Dad at Papa sa likod. Muntik pa ako matumba  dahil halos sabay silang tinapik yung likod ko.


"Congrats anak." bati nila sa akin.


Lumapit sa akin si Claire na may ngiti sa labi at nakasunod lang sa kanya si James sa likod. Binati rin nila akong dalawa at pinasalamatan ko silang lahat.


"Ano bang nangyari at nasugod sa ospital si Nic?" tanong agad sa akin ni Claire. Narinig ng mga parents namin ang tanong ni Claire kaya lumapit din sa akin para marinig yung sasabihin ko.


Huminga ako ng malalim at kinuwento sa kanila ang nangyari mula umpisa kung saan nalaman ko si Camille ang nagbibigay ng threats kay Marie hanggang sa huli. Sa buong durasyon ng kwento ko, tahimik lang sila nakikinig sa akin. Pagkatapos ng kinuwento sa kanila, nanatiling tahimik ang buong paligid. Unang nag-react si Claire.


"Hay! Yang talagang babaeng yun oh oh. Nakakabwisit! Kailangan pa ng kidnap effect para lang may makuha ka lang. Kainis talaga."


"Relax ka lang." pangkakalma ni James sa kanya.


"Ah! Basta! Yari sa akin yung babaeng yun kapag nakita ko siya." Natigil lang ito ng biglang lumabas ang doktor. Tumakbo agad ako papunta sa kanya.


"Sino ang kamag anak ng pasyente?" Tanong niya agad.


"Ako po. Kamusta na po ang mag-ina ko?"


"Stable na ang kalagayan ng iyong mag ina." nakahinga agad ako ng maluwag sa balita ng doctor. Nagpasalamat ako sa kanya.


"Sige po. Aayusin ko na ang document ang mag-ina niyo. Ililipat namin ito sa pribadong kwarto." 

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon