Chapter 28: Camille vs Nicole

7.9K 98 0
                                    




Chapter 28: Camille vs Nicole


Nicole's POV


The great Camille. Lumapit siya sa amin with matching shades at catwalk. Nang nakalapit na siya sa amin ay saka tinanggal yung shades niya, nakatingin sa amin with matching taas kilay. Tinaasan din namin ng kilay si Camille.


Naningkit yung mata niya nung makita niyang nakalagay sa bewang ko ang kamay ni Vince. Mukhang napansin ni Vince yun kaya inilapit niya pa ako lalo sa kanya. Binigyan ako ng nakakamatay na tingin ni Camille.


"Mukhang huli na ako sa balita." maarteng sabi niya. Pinisil ni Vince yung bewang ko na parang pinapahiwatig na kumalma ako.


"Ay! Hindi. Hindi ba halata. Palibhasa puro kalandian ang nababalitaan mo." singhal ni Claire.

Nako naman Claire! Tigilan mo na yung pagiging warfreak mo, baka mauwi yan sa away. Kinakabahan na ako sa susunod na mangyari kapag sinagot ni Camille si Claire.


"Hmp. Makaalis na nga" sabi ni Camille. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Lumapit sa amin si Camille pero ang tingin niya ay kay Vince lamang. Nagulat na lang ako nung bigyan siya ng halik sa pisngi ni Camille at ngumiti ng pagkatamis tamis.


"See you sa shooting" malambing na sabi niya kay Vince at saka umalis. Napasimangot ako sa ginawa niya, hindi niya ba alam na may GF na siya at kailangan pang humalik. Tss...


"Nakuuuuuuu! Pigilan mo ako Nics papatulan ko yan." sabi niya.


"Go! Patulan mo na, dapat makikita ko yan sa ilog pasig ah." biro ko pa.


"Sige ba, maghintay lang siya."


Tumawa lang ako sa sinabi niya. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan yung parteng hinalikan ni Camille, habang pinupunasan ko yung pisngi niya, nangingiting nakatingin siya sa akin.


"Psh! Wag kang ngumiti ng ganyan. Nakakainis ka." inis na sabi ko sa kanya sabay sampal ng mahina sa pisngi. Tumawa lang siya sa sinabi ko, hinampas ko siya ulit pero sa dibdib naman dahil nakakainis yung tawa niya. Yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa buhok.


"Huwag ka na magselos dyan. Ikaw lang naman ang mahal ko eh." malambing niyang sabi sa akin.


"Nakuuuuu! Siguraduhin mo lang ha." biro ko sa kanya. Napatawa naman siya sa biro ko.


"Opo." mabait na sabi niya sa akin.


Hinatid niya na kami sa room at binigyan ulit ako ng halik sa noo bago umalis para makapunta sa room niya. Pagkapasok namin, maraming nakatingin sa akin ng masama at parang sinasaksak na ako sa isip nila.


Creepy >_<


Umupo na kami sa upuankung saan kami naka-assign. Buti na lang palagi kaming magkatabi ni Claire. Tumingin lang siya sa akin na nagsasabing care-to-explain-look.


"Ano naman ako i-eexplain ko sa'yo?" tanong niya sa akin.


"Alam kong may nagbago sa aura mo ngayon. At lalo kang bloomuming." tugon niya.


"Ano ba ikwekwento ko sa'yo?" tanong niya sa akin.


"May nangyari ba?"


"Anong nangyari?"


"I mean, nag s*x na ba kayo?" tanong niya sa akin. Namula naman ako sa tinanong niya.


My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon