Chapter 3: Weird

15.1K 173 0
                                    



Chapter 3: Weird


Nicole's POV



Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Bumangon agad ako at dumeretso na sa banyo ko para gawin ang aking morning ritual.


Nang matapos, lumabas na ako sa kwarto. Napahinto ako sa tapat ng pinto ni Vince. Dinikit ko ang tenga sa pinto niya. Good. Mukhang tulog pa ito.


Dali-dali akong bumaba para kumain na ng almusal at makaalis na. Tatakasan ko siya ngayon.

"Nic, paki gising nga si Vince." Bungad ni Manang sa akin pagkapasok ko sa kusina.

"Manang, huwag na nating gisingin si Vince, hayaan niyo muna siya matulog siguro pagod yun kagabi." Ani ko kay manang.


"Ano? Ikaw talagang bata ka, hahayaan mo bang magutom at ma-late si Vince?" galit na sabi ni manang.

"Manang naman eh, mamaya pa yung klase ni Vince, gigisingin niyo naman po ng maaga."

"Hay nako, Nic. Kapag hindi mo ginising si Vince isusumbong ko kayo sa magulang niyo" banta sa akin ni Manang.

"Si manang talaga hindi mabiro. Eto na po, gigisingin ko na po si Vince." Sabi ko kay manang. Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.

"Hala sige. Gisingin mo na ang asawa mo" sigaw ni manang nang paakyat na ako ng hagdan.


Eto talaga si manang, inemphasize pa yung ASAWA eh hindi naman niya ako pinapansin.


"Manang hindi ko po talaga asawa si Vince. Sa papel lang po" sagot ko pabalik kay manang. Napahinto naman ako nang marinig ko yung sinabi ni manang.


"Kahit na hija, may responsibilidad pa rin kayo. Alagaan niyo ang isa't isa habang mag-asawa pa kayo." Sabi naman ni manang sa akin.


Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. "Manang naman eh."


Napangiti naman si manang. "Dalian mo na hija para makakain na kayo."


Tumango na lang ako kay manang. Dumeretso na ako sa kwarto ni Vince, huminga ako ng malalim bago kumatok. Naghintay ako ng ilang minute pero wala pa rin g sumasagot.

Inulit ko ulit ang pagkatok, wala talagang sumasagot, Dahan – dahan kong pinihit yung doorknob at saka sumilip.



"Vince?"



Tawag ko sa kanya. Nakahiga pa rin siya sa kama kaya pumasok na lang ako sa loob. Lumapit ako sa kama ni Vince, pinipigilan kong tumawa dahil sa pwesto ni Vince. Ang likot naman niya matulog.



Yung paa niya nakalabas na sa kama tas yung ulo niya halos mauntog na sa side table. Halos lahat ng mga unan niya ay nasa lapag na tas yung kumot niya nasa paanan na nia tas nakadapa siya. Nakita ko na rin ung boxer niya at napalunok ako ng laway. Sexy back.



Na-miss ko rin siyang katabing matulog. Napangiti ako nang maalala ko yung panahon na close pa kaming dalawa.


Tama na nga yung pagiisip ng kahit ano, gisingin ko na nga ito at baka pagalitan pa ako ni manang. Gusto ko nang kumain ng almusal. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa gilid kung nasaan yung ulo niya.



"OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!" Sumigaw ako ng pagkalakas at sabay yug-yog sa kanyang ulo para magising. Gumalaw lang siya ng konti pero bumalik ulit sa pagtulog. Akala ko magigising na.



My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon