Ch.7: Campaign week l Election day

Start from the beginning
                                    


Hay.


Sa SC office kami dumiretso dahil after lunch pa raw magsisimulang ang RTR. Sa SCO nakilala na namin ang magiging kalaban namin.


"Caile, gawa na ang excuse letters."


"Ibigay mo sa kanila. Sila na bahala magpapirma sa teachers nila."


Nagulat ako dahil seryoso ang boses ng president. Nilingon ko siya at nandoon ulit siya sa pwesto niya kung saan ko siya kinausap noong nakaraan, may hawak siyang book at mukhang may ginagawa siya.


Bigla namang nagsilabas iyong mga candidates din na taga Newton. Ayan tuloy, kaming anim, ang president at iyong dalawa pang taga council lang ang naiwan dito. Nakakabinging katahimik ang nakapagitna sa'ming lahat. Ugong lang ng aircon ang maririnig sa paligid.


Nakaupo ako sa mismong tapat ng cubicle ng president kaya hindi ko maiwasang hindi tignan ang ginagawa niya. Nakakunot 'yung noo niya habang may binabasa sa libro na parang may hindi siya naiintindihan doon.


Nananahimik ang lahat hanggang sa  biglang bumukas yung pinto nitong office at mula doon pumasok si ...


Aimee? Again.


"Caile."-diretso siyang nakatingin sa table ni Caile mula sa pinto. Nag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya at kumunot ang noo habang umaayos ng upo. Si Aimee naman ay tuluyan nang pumasok at umupo sa upuang nasa harap ng table ni Caile.


"Yes?"-tanong ni Caile. Dahil natakpan ng katawan ni Aimee ay hindi ko na makita ang mukha niya.


"Wag mo akong tarayan. Sinong partner ko sa pageant na 'yan?"


I heard Caile murmured something. At maya maya pa, sa gulat ko, ay nilingon ako ni Aimee. Tuloy ay mabilis akong napaiwas ng tingin kahit alam kong nahuli niya akong nakatingin sa kanila.


Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya.


"Okay."-binalik niya ang tingin sa lalaki, yinuko ko naman ang lap ko. "So, sino ngang partner ko for that goddamn pageant?"


"Kinausap ka na pala ng director. Kailan pa?"


"3 days ago. Just answer my fucking question, Caile."


3 days ago na rin simula ng makita niya akong matumba sa harap mismo ng building at boyfriend ko. Naalala ko lang.


Pasimple akong nag-angat ng tingin. May kinuhang folder ang president mula sa mini cabinet niya, iopen niya iyon at ni-scan. Sa iba ko na binaling ang tingin ko dahil baka mahuli na naman ako ni Aimee na nakasulyap sa kanila. 


"Andy Aquino of IV-A Newton."


Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now