Ch. 44: Caile x Tamarra

212 11 0
                                    


CAILE'S POV


[Caile, anong oras ka babalik ng room?] -Nathe

[Prend, isang buong subject hindi ka talaga bumalik?] -Millie

[Caile, lunch na sa caf na kami ha?] -Josh

[Sasabay ka ba raw tanong ni Millie] -Steven

[HOY ATENG wala ka sa SCO, nasan ka?] -Josh

[Tseb wala ka sa SCO hinahanap ka ng mga kasama mo doon] -Nikko

[Caile, saan ka raw?]- Nikko

[Caile poor sila wala na silang load, saan ka raw]- Nikko

[Caileeee palowbatt na ko saan ka na ba talaga? Dalawang subject nalang uwian na, what the hell?] -Nikko

[Caile where the hell are you? Uwian na kanina pa, kami nalang naiwan dito sa room, babalik ka pa ba? Yung bag mo dito. Nasaan ka ba? Magreply ka naman, naka-line ka naman ah.]-Nikko

[Prend wala ka sa Thelistine, pinaikot namin sina Josh at Nathe sa buong campus, mga uto-uto nagpautos nga. Ayun sabi nila di ka nila nakita. So wala ka dito. Nasan ka nga???]-Nikko

[Caile idadaan nalang daw ni Nathe sa bahay niyo yung bag mo. So kung nasang lupalop ka man ng Pilipinas napunta, wag mo nang balikan ang bag mo dito. U know kasi, minsan ang mga iniiwan ay hindi na nababalikan. Che. Magreply ka naman, nag-aalala rin kami, hindi ba halata sa tadtad na text?]-Nikko

[Caile nahatid ko na yung bag mo, nakapagpaload na rin ako! Yey. Anyway wala ka pa sa inyo so nasan ka? Hindi kita matanong sa maids niyo dahil kung kami nga di namin alam kung nasan ka, aba baka mas lalo na sila. Magtext ka naman ateng.]

[Ano nakauwi ka na ba?]-Millie

[Prend nasan ka na?]-Nikko


Masyado na akong pagod para basahin pa ang ibang text nila, tadtad na tadtad ang phone ko ng texts at missed calls. Humiga ako sa kama at nagcompose ng group message saying na nakauwi na ako at bukas nalang sila kakausapin.


Basta ko initsa sa tabi ang phone saka sumulyap sa orasan. Past 8pm na. Ngayon lang ako nakauwi, ang daming tumatakbo sa isip ko pero pagod na ako para i-entertain pa ang mga iyon.


Indeed, nakakapagod magpasaya ng taong malungkot. Pakiramdam ko naging clown ako ng isang Aimee Farrelle Viero kanina.


Viero... ahhh! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala! Madalas kong nakakausap ang Director tapos si Aimee ay madalas ko ring nakakasalamuha, at mas kilala ko na siya kumpara sa ibang students... tapos... tapos, mag-ama sila?!


At si Tamarra na, jusko, secretary ko. Pinagbalakan ko ng kung ano 'yon, girlfriend yon ni Andy, tapos kapatid niya si Aimee? Tatay niya rin ang Director.


Damn boomerang!


Pinikit ko nalang ang mata ko, ayoko na mag-isip. Ayoko muna sa ngayon.

***

Kinabukasan hindi na ako nagulat na kumpleto na ang mga kaibigan ko nang dumating ako, si Nathe ay hihikab-hikab pa. Ang aga nila.

Ways For Her To Dislike HimOnde histórias criam vida. Descubra agora