Ch. 24: Missing in action

158 13 0
                                    


CAILE'S POV 


Kung hindi dahil kay ate Chelsea, hindi ako magigising ng maaga. Kung maaga pa bang maituturing ang 1:33pm.


"Caile, mom just called. Nakakainis ka, minsan na nga lang sila makahanap ng oras para makatawag overseas, hindi ka pa nila nakausap."


"When will they call again?"-tanong ko sa ilalim ng unan.


"Hindi ko alam. Nabanggit kong sumali ka ng pageant sa Thelistine, at na nanalo ka pa! Baka tumawag sila mamaya o bukas para i-congratulate ka."-hindi ako nagsalita. "Bumangon ka na nga. Hapon na."-sunod kong narinig ang mahinang click ng pinto, lumabas na si ate, natulog uli ako.


Naglalakad ako sa tabing dagat, hawak ko sa kanang kamay ang tsinelas at ninanamnam ng paa ko ang malambot na buhangin. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong papalubog na ang araw. Medyo nakakasilaw pa iyon kaya hindi ko mapanood ng maayos ang dahan-dahang pagtatago nito sa makakapal ng ulap. The ocean reflects the ray, giving the sea its red-orange color. Fascinating scenery.


May tumawag sa'kin mula sa kung saan.


"CAILEEEEE!"


Napalingon ako sa likod, may colored dots pa na nagsasayaw sa mata ko dahil sa panonood ko sa papalubog na araw dahilan para hindi ko agad mamukhaan ni makita ng maayos ang tumawag sa'kin.


Maya maya lang ay nawala na ang colored dots, at sakto no'n nakahinto na sa mismong harap ko ang taong tumawag sa'kin.


Si Tamarra ang nakita ko. Tinawag niya ako uli. Pero parang inipit na lalamunan ang tono ng boses nito.


"CAILEEEEEEE!"


"Fuck."-I cursed under my pillow. Nagising na ako mula sa panaginip ko and I think I clearly heard Nathe's voice. 


"Caile, hapon na tulog ka pa?"


Bigla kong narealize, nandito sila. Just, fuck!


Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagsinghal sa kanila dahil sa tulog kong naputol. Nasa ilalim pa rin ng unan ang ulo ko, ayoko pang alisin iyon. Inangat ko ng kaunti ang unan para makita ang oras sa digital clock na nasa bedside table. 3:45pm. Nagdecide na akong bumangon. 


Nathe. Josh. Millie. Nikko. Kumpleto sila. Kumpleto silang nanggugulo ngayon. At kasalukuyan silang nasa study table ko, nag-uunahan sa pagtingin sa sash, crown and cape, trophy at pictures ko mula sa event kagabi. Siguro ay inakyat ni ate, sa kanya ko kasi inabot lahat ng iyon kagabi habang pauwi kami.


Si Nikko ang nakapansin na nakaupo na ako. Itinaas niya ang hawak niyang picture, hindi ko maaninag kung anong picture iyon.


"El presidente ang ganda ng kuhang 'to. Bet ko."


Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now