Ch. 2: Their Plan

525 22 7
                                    


CAILE'S POV


One message received


Fr: 0999*******


[Hey! I'll see you at the parking. Don't make me wait, I'm here already. Aimee here ]


Natanggap ko ang message saktong nag-aayos na ako ng gamit dahil tapos na ang klase for this day. Nagreply ako habang naglalakad palabas ng room. Yung mga kaibigan ko isa isang nagpaalam na mauuna na sila, if I know ayaw lang nila akong sabayan ngayon dahil sa mood ko.


To: 0999*******

[And I thought you'd gonna call]


Fr: 0999*******

[Awww, miss my voice already? Don't you worry, nandito lang ako sa parking. I'll patiently wait for you here]


Nanlaki ang mata at kumunot ang noo ko sa nireply niya sa'kin.


Ang kapal! Hindi ko na siya nireplyan.


***

"What the hell, ang tagal mo!"-bungad niya nang makita niya akong papalapit sa kanya. Mabagal akong naglakad habang yakap yakap ko ang mga libro ko.


"Ibig lang sabihin no'n, hindi kita namiss, maski ang boses mo. Oh, anong gagawin natin dito sa parking?"


"Kakain ng alikabok."


"Kingina?"-gulat kong sagot. "Kung wala naman tayong impotanteng gagawin mas maganda pang sundan ko na lang sina Andy. May date sila ngayon."


She casts me a ridiculous look.


"Magpapaka stalker ka? That's a cheap move, love."-umiling iling siya. Hindi ko na pinansin 'yung pagtawag niya sa'kin ng love.


"Edi bigyan mo ako ng plano. May naisip ka ba?"-pero imbis na sumagot, nilingon niya lang ang katabi niyang sasakyan.


"Huwag tayo dito. Literal na kakain talaga tayo ng alikabok kung dito tayo mag-uusap."-sumakay siya sa sasakyan at pinasunod ako sa loob. Alangan man eh sumakay nalang din ako. Yung driver ang una kong napansin pagpasok.


"Sa'n tayo?"-tanong ko maya maya.


"Sa bahay."


At maya maya pa...


"Bahay ba 'to?"-tanong ko sa kanya nang makababa kami ng kotse nila.


"Tingin mo?"-sagot siya habang papasok kami sa bahay daw nila. At kung malaki sa labas, mas lalo naman sa loob.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now