Ch.7: Campaign week l Election day

254 16 0
                                    


TAMARRA'S POV


Dahil nga sa campaign week na. Halos ma-excuse ako sa lahat ng klase namin. Bahala na, hahabulin ko nalang lahat ng mami-miss ko, isa pa nandoon naman si Alliya, magpapahiram naman siya ng notes sa'kin.


So eto na. Anim kaming galing sa Einstein ang napili para maging isa sa candidates para sa open positions sa Student Council. Buti nalang walang rule dito na nagsasabing bawal tumakbo sa SC ang transferee dahil kung hindi, malamang na hindi ako makakatakbo.


"Kinakabahan ba kayo?"-tanong ko sa limang kasabay ko. Papunta na kasi kami sa Newton building. Magru-room to room for campaign. Sa kanilang lima, isa lang ang pumansin sa'kin. Umiling lang siya saka nagconcentrate sa daan.


Nanahimik nalang ako sa indifferent treatment nila. Ako na nga ang nag-i-initiate ng talk eh, parang ayaw pa nila. Hindi talaga friendly ang mga nasa Einstein, iyon ang isa sa pinakauna kong napansin since magstart ang class.


Sa entrance palang ng Newton building ay nakaabang na sa'min ang council president, at may isa pa siyang lalaki na katabi.


Ang cute nilang pareho.


Pero mas cute si Andy.


"Good morning."-bati ng president sa'ming lahat pagkalapit namin. "I am going to introduce myself, once again. I am Caile, your council president, and beside me standing is Pierro, the vice."



"Good morning."-bati ng vice at nagsibati rin naman kami. Saka niya kami inabutan ng parang ID. "That's a special passes at iyan ang gagamitin niyo for a week para makapasok sa building namin. You'll surrender that after the elections."


"What if ang isa sa amin ay manalo? Ito rin ba 'yung gagamitin namin bilang access sa Newton building?"-tanong ng isang babaeng kasabay ko.


Si Caile ang sumagot. "No, may sariling identification card ang council officers, but so far, iyan muna ang gagamitin niyo para makapasok. Any additional question?"


Umiling kami, tumango naman siya saka naunang pumasok sa building nila, sumunod naman kami.


Kakaibang lamig agad ang sumabulong sa'min pagpasok. Fully airconditioned ang buong building, samantalang sa'min ay yung cafeteria, classrooms, at offices lang. Pero anong aasahan mo eh halos lahat ng nandito mayaman. 


Inikot ko ng tingin 'yung paligid, and I am shocked.


Shocked to see na makitang halos lahat ng students dito ay may kasamang group of friends. At malaking grupo pa sila! Malayong malayo sa tanawin sa loob ng building namin kung saan halos pagpasok mo palang sa lobby ay para kang pumasok sa isang deserted na lugar dahil sa sobrang katahimikan. Tipong may mga students din naman pero wala sa kanila ang may kasa-kasama, let alone kausap o kaibigan. Halos lahat ng students sa Einstein ay walang kaibigan, kung sakaling meron man, pinakamalaki na iyong by pair or trio. Wala kang makikitang malaking grupo. 

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now