Ch. 17: Pageant (Practice) I

175 14 1
                                    


CAILE'S POV


Kasalukuyang naglelesson ang teacher sa harap nang may kumatok at sumilip na estudyante mula sa labas ng room. Lahat kami napalingin doon. 


Agad kong nakilala kung sino ang istorbo.


Si Jade. 


"Ma'am, pinapaexcuse po ng director si president."-paalam niya saka lumingon sa pwesto ko. "And si Andy, briefing naman po ang kanya for the school pageant."


Nangunot ang noo ko. Bakit kailangang during classes gawin ang briefing eh pwede namang after lunch or after school?


Tinignan muna kami ni ma'am saka siya nagsignal na pwede na kaming ma-excuse. Nauna akong tumayo para lumabas, nakasunod naman si Andy. Paglabas na paglabas ko ay mukha ni Aimee ang nabungaran ko. Nakatayo siya sa mismong tapat ng pinto ng room, nakasandal sa railings at nakacross ang braso, halatang hinihintay kami. Pagkakita niya sa'kin ay agad siyang umayos ng tayo saka tumalikod at naunang maglakad. Kami man ay lumakad na rin. At habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi madistract dahil sa lagatok ng heels niya.


Pwede naman kasing flat shoes, ba't may pa-heels heels pa siya. Ako ang pinakamalakas na tatawa kapag siya natapilok.

***

"Caile, finalize na nina Athena ang program flow. Pakiprint nalang para madistribute na sa instructors ngayong araw."


Inabot ko ang papel saka bumaba mula sa pinakamataas na part nitong auditorium kung nasa'n kaming mga organizers. Lumipad ang tingin ko sa stage nang pababa na ako, aksidenteng nagsalubong ang tingin namin ni Aimee. Dahil naaasar akong si Andy ang partner niya, inasar ko siya. Naglakad ako na parang rumarampa, pinakita ko sa kanya ang lakad na kanina pa nila pinapractice.


Kanina pa rin kasi siya nayayamot, hindi niya pala gustong sumali in the first place.


Nawalan ng expression ang mukha niya, ngumiti ako ng wagas at hindi inalis ang tingin sa kanya maliban nang lumabas na ako ng auditorium.


Kahit papaano na gumaan ang mood ko, ang saya sa feeling kapag ang taong kinaaasaran mo, naaasar  din sa'yo.

***

The following day.


"Andy, tuwing uwian na raw ang magiging practice niyo,"-lunch time nang ibalita ko kay Andy iyon. Napatigil siya sandali. "just informing you."


Ngumiti siya. "Noted. Salamat."


Mabilis na lumipas ang oras, kagaya ngayon, uwian na agad. Dahil isa ako sa organizers para sa pageant, hindi pa ako makakauwi dahil kailangan pa ako sa auditorium.


Papunta na ako doon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasabay ko si Tamarra. Natigilan siya, nainis ako. Paano, nakita ko na naman siya.


"Hello."-she greeted.


"Hindi ka nagrereport sa SCO."


Naging mailap ang mata niya.


"S-Sorry."


Ano bang magagawa ng sorry niya? "Anong ginagawa mo dito?"-pag-iiba ko sa tanong. Gusto ko nang takbuhin nalang ang audi para mahiwalay na ako sa kanya.


"Pinapapunta ako ni ma'am Hazel sa auditorium. Hindi ko rin alam kung bakit."


Tumango nalang ako. Pagdating sa audi ay agad niyang nakita si ma'am Hazel, isa sa dance instructor para sa pageant, na nakaupo sa pinakaunang row ng seats. Nagpaalam na ako sa kanya, out of courtesy, para puntahan ang mga organizers na nasa pinakatuktok at nag-uusap usap. Ngayong araw namin pag-uusapan ang division of labor.


Habang naghihintay sa iba pa ay umupo ako sa tabi ng ilan, nasa floor lang sila at nakapaikot sa isa't isa. Maya maya pa ay may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko naman 'yon.


"Hindi ka dito."-aniya. Kumunot ang noo ko saka umusog ng pwesto. Hindi ko naman alam na may sitting arrangement pala dito. 


"Dito pwede na ako?"-tanong ko pa. Umiling lang siya.


"No. What I mean is, pumunta ka sa baba dahil tawag ka ni ma'am Hazel."


Takang napasulyap ako sa baba, kasalukuyan pa ring kausap ni ma'am Hazel si Tamarra. Kinabahan ako. Sana hindi connected kay Tamarra ang reason kaya ako pinapatawag ni ma'am. Please lang.


Bumaba ako at lumapit sa kanila. "Ma'am?"-sabay silang lumingon sa'kin.


"You're here already? Hindi kita napansin na pumasok kanina, inaabangan pa naman kita."


"Bakit po?"


Tumayo siya at sandaling sinulyapan ang hawak niyang papel. "A pair have backed out for a certain reason na hindi ko pa alam and the director had approved it."-she explained.


Napatango ako. Ang director kasi ang namimili ng magiging participants every year at kapag napili ka niya, hindi ka na pwedeng kumontra. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinatawag dito.


"And here I am to find a replacement? Noted ma'am--"


"No, Caile. May ipapalit na."-tinignan niya si Tamarra na nakakunot ang noo. Pati tuloy ako napalingon kay Tamarra. Sunod no'n ay lumingon siya sa'kin kaya si Tamarra rin ay napatingin sa gawi ko. Kinabahan ako bigla, parang alam ko na kung anong susunod na sasabihin niya. "Kayo."

______________________________

Ways For Her To Dislike HimHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin