Ch. 19: Pageant (Practice) III

200 14 3
                                    


ANDY'S POV


"Dammit, it's left, left, right, left step!"-singhal ni Aimee dahil nagkamali na naman ako sa step ko.


"I know, I know."


"If you really knew then why do you kept on making the right, left, left, right step?"-kunot na kunot ang noo niya. Gusto kong matawa ng malakas pero pinigil ko ang sarili ko. Sa apat na araw na tinakbo ng practice naming 'to, walang araw na hindi ko siya iniinis. In that way, parang nailalabas ko na rin sa kanya ang frustration ko dahil siya ang partner ko.


"To piss you, I guess."


Halos manlaki ang butas ng ilong niya, mas lalong gusto kong matawa. "Great! Then you're doing a great job. I'm pissed."


"Aimee and Andy at the back, focus."


Sabay kaming napalingon sa instructor dahil sa warning na iyon.


"Sorry, ma'am."-ako na ang nagsorry para saming dalawa. 


Umayos na ako at bumalik sa pagpapractice. Nanahimik na si Aimee.


"Bakit ginawa mo 'yon kay Tamarra?"-tanong ko bigla. Sinabi na ni Tam na kalimutan ko na 'yon pero hindi ko magawa. And yes, I am talking about the commotion the other day.


Umirap siya. "Ask her. Siya ang girlfriend mo."


"Ayaw niya sabihin."


Matalim niya akong tinignan. "At sa tingin mo ako gusto kong pag-usapan 'yon? Just shut up, Andy."


"Pero hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman."


"Then ask her, 'wag ako. And please shut up. Pakiramdam ko mas bumabagal ang oras kapag nagsasalita ako eh. Patahimikin mo ako."


Kung mapagsasalita ko nga sana si Tamarra eh, kaso hindi, kasi habang mas kinukulit ko siya... mas nanahimik siya. Hindi katulad ni Aimee na habang mas kinukulit... mas madaming nasasabi.


"Sagutin mo lang iyon an-- AWWW!"


Sapo ang kaliwang paa na napaatras ako nang sadyain niya akong tapakan gamit ang heels ng black shoes niya. Dahil sa ginawa niya ay nagulo namin ang formation at napahinto ang lahat sa pagpapractice.


"What happened, Andy?"-hindi ako nakasagot nang tanungin ako ng instructor. Nananakit ang paa ko, partikular sa tinapakan niya. "...Aimee?"-baling ni ma'am sa kanya.


Lahat nagtinginan kay Aimee. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Hindi ko sinasadya. May ipis po kasi, nagulat ako kaya napatalon ako and I landed on his foot."-tumingin siya sa'kin. "I'm sorry, Andy."

Ways For Her To Dislike HimМесто, где живут истории. Откройте их для себя