Ch. 14: Clash

183 16 0
                                    


TAMARRA'S POV


Lunch time at nagkaroon kami ng meeting sa SCO. Wala naman masyadong napag-usapan, parang weekly reports lang about school stuffs at dahil wala si Caile, mas mabilis na natapos ang meeting.


"Bye, Tamarra! Bye, Andrea! Bye, guys!"


Napalingon ako kay Jiro na isa sa SC officer.


"Bye rin."-inabot ko ang bag ko saka nagpaalam na rin sa kanila.


May 25 minutes pa bago magstart ang afternoon class, pababa ako ng lobby nang makaramdam ako ng uhaw kaya imbis na lumabas, sa caf ako dumiretso para bumili ng maiinom.


Buti nalang at walang pila sa counter. Mabilis akong nakabili ng drinks, tinusok ko ang straw sa ibabaw na cover ng milktea na binili ko, napalakas ang tusok ko kaya sumirit ang inumin, tumulo ang iba sa sapatos ko.


Tanga mo, Tam.


Lumapit ako sa vacant table na nakita ko. Pinunasan ko ng panyo ang kamay ko pero paano 'tong sapatos ko? Di ko naman pwede gamitin yung panyo ko sa sapatos, madudumihan.


Tinitigan ko ang sapatos ko na nasa ilalim ng mesa. At mula sa pagkakayuko, may napansin akong puting bagay sa ilalim ng upuan. Inabot ko 'yon gamit ang paa ko.


Panyo!


Mukhang naiwan ng kung sino dito.


Ang galing, hindi ko pa man pinoproblema ang problema may solusyon na kaagad.


Inabot ko ang panyo, naamoy ko agad ang pangmayamang amoy no'n. Sayang, hindi iningatan ng may-ari, pwede ko namang ibalik pero hindi ko naman kilala kung sinong may-ari nito, saka isa pa, mayaman lahat ng estudyante sa building na 'to kaya afford na afford nilang bumili kahit ilang dosena pang panyo.


Dahil sa thought na 'yon, hindi na ako nag-alinlangan na ipangpunas ang panyo sa sapatos ko.


Pero sayang talaga.


"Are you sure nandito?"


"Wala sa room at wala tayong ibang pinuntahan kung hindi dito."


"But what if—dead."


Napahinto ako dahil sa mahinang dead na narinig ko. May dalawang pares din ng paa ang huminto sa harapan ko.


Atubili akong nag-angat ng tingin at talagang huminto sa pagtibok ang puso ko nang masalubong ko ng tingin ang mata ni Aimee.


Mabilis akong napaayos ng upo. Masama ang tingin niya sa'kin saka iyon bumaba sa panyong hawak ko, mas tumalim ang tingin niya kaya mas kinabahan ako.


Huminga ako ng malalim. "Bakit?"-lakas loob kong tanong.


Mula sa pagkakatingin sa hawak ko ay napunta iyon sa'kin. "You..."-nagulat ako at nanigas nang lumapit siya sa'kin para hablutin ang panyong hawak ko. Napatayo ako bigla at napaatras ng isang hakbang. Natatakot ako sa kanya ngayon na kung pwede lang akong tumakbo ay ginawa ko na. Kaso sa pagkakatingin ko palang sa kanya, nanghihina na ang tuhod ko.


Ganito kalaki ang takot ko kay Aimee. Noon pa man.


"H-Hindi ko alam na... n-na sa'yo 'yan. I-Im... I'm sorry."-sagot ko na pinagsiklop ang kamay ko, hindi ko naman alam na kanya 'yan kasi kung alam ko lang, baka kahit ni tignan hindi ko gagawin.


"You made a new trash out of this thing and now you're sorry?"


Hindi ako nakasagot, pasimple kong tinignan ang paligid at kita kong nakuha na namin ang atensyon ng mga tao sa caf.


"Sabagay, kaya ka ganyan dahil sa gano'n buhay ka galing."-mabilis akong napatingin sa kanya. Tumango siya ng bahagya. "You are your mother's trash."


Huminga ako ng malalim saka pilit na tinignan si Aimee sa mata. That's below the belt.


"Shut up, Aimee. Ako ang may kasalanan sa nangyari sa panyo mo kaya wag mong idamay ang mama ko. Isa pa panyo lan—"


*pak!


Hindi ko nakita kung paano siya nakalapit pero nayanig ang sistema ko nang bigla niya akong sampalin.


"Aimee!"-mabilis na lumapit si Megan para awatin si Aimee. Napaatras naman ako dahil sa hilo na naramdaman ko.


Nanginig lalo ang kamay ko at nanghina ang tuhod ko. Natatakot na talaga ako sa kanya. 


Pero hindi ko maintindihan, bakit walang may gustong umawat dito?


"Don't ever talk to me like that! Hindi lang basta panyo 'yang ginawa mong basahan! You're like your mother! Both stupid!"


Nagpantig ang tenga ko. Idamay na niya lahat, saktan na niya ako kung gusto niya pero 'wag na 'wag niyang madadamay si mama dahil labas naman si mama sa kasalanan ko ngayon sa kanya.


Before I could think of a move, mabilis na kumilos ang katawan ko palapit sa kanya. Before I could think straight and clear, naiangat ko na ang kamay ko padapo sa pisngi niya but when I thought I could already slap her, saka naman niya naiangat ang kamay niya para pigilan ang kamay ko. She held my wrist at saka ako binigyan ng mind-blowing and head-shaking slap.


Parang inikot ang ulo ng 360 degrees. Nawalan ako ng balance at natumba.


"Tamarra!"


I think I heard Andy's voice but when I held my chin up, si Caile ang nakita ko. He's shock.

______________________

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now