Ch. 39: He suddenly wants to stop

200 12 0
                                    


CAILE'S POV


One day I woke up realizing that the things I am doing and had done... is all senseless. Senseless dahil na-realize kong hindi ko naman talagang ginagawa yung parte ko ng plano.


Sa totoo lang nalilito na rin ako sa kung ano ba talagang plano namin, parang hindi ko na maalala kung anong pinagkasunduan namin ni Aimee. 


Isa pa sa biglang nagsink in sa'kin is, ang childish namin ni Aimee para gumawa ng kung ano anong ka-ek-ek-an. Imagine, I planned to ruin Andy's relationship with Tamarra? And what was Aimee's plan again? To ruin Tamarra's life.


Sa side ko, ang childish ng reason ko, mahal ko kasi si Andy kaya gusto kong magkahiwalay sila ni Tamarra. Hindi ko pinagtuunan ng pansin yung fact na magtagumpay man ako sa balak ko at maghiwalay man sila, hindi naman sa'kin mapupunta si Andy. Obviously, Andy's not gay nor bisexual para pumatol sa'kin. Isa rin sa reason ko ay dahil isang scheming bitch si Tamarra, I still remember the recorder Aimee handed to me, sa pagkakaintindi ko doon, Tamarra used Andy para makapasok dito.


Nagdududa na ako sa recorder na iyon ngayon dahil sa ilang buwan na pagkakakilala ko kay Tamarra, nakita kong kung nakapasok man siya dito, dahil iyon sa matalino talaga siya.


Tumayo na ako mula sa kama nang mapansin kong malapit na mag-5:00 am. Hindi ko alam kung anong meron ngayong umaga at nauna pa akong magising sa alarm clock ko, mas lalong hindi ko alam kung anong meron sa tulog ko at nagising akong may ganitong pag-iisip.


Para akong naumpog at natauhan. Nahulog ba ako sa kama kagabi?


Anyway, kailangan ko sigurong kausapin mamaya si Aimee. Baka ang akala niya tinutulungan ko pa rin siya when in fact wala na akong ginagawa. Kung napapalapit man ako kay Tamarra minsan, dala ng pagkakataon iyon at hindi ko sinasadya.


"Oh! Gising ka na?"-gulat na tanong ni ate Chelsea nang makita niya akong pababa ng sala. Kinunutan ko siya ng noo.


"Oh gising ka pa?"


Napakunot din ang noo niya saka tumingin sa orasan at doon biglang nanlaki ang mata niya.


"Nobody reminded me of the time! Oh my God!"-nagmamadali niyang nilimas ang mga books and papers niya, inakay niya iyon kasama ng laptop niya saka umakyat sa kwarto niya.


Palibhasa insomniac kaya hindi napansin ang oras, midterm week ata nila ngayon.


Dumiretso ako sa kusina pero dahil kakagising palang din ni manang, wala pang almusal. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at hinanda ang uniform ko bago pumasok sa CR at naligo. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Aimee na kumakalas na ko sa deal namin. 


Hindi ko alam kung magiging cool lang ba siya about it o baka mag-freak out siya.


Natawa ako ng malakas. Paano kaya magfreak out ang isang Aimee Farrelle?


I bet maganda pa rin, iyon ang unfair sa mga babaeng katulad ni Aimee. Nagpifreak out na't lahat, umiiyak, mukhang baliw, malungkot na't lahat, maganda pa rin.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now