Ch. 49: Sports Fest III

159 12 1
                                    


TAMARRA'S POV


Maagang maaga palang ay nasa Thelistine na ang coaches, faculty and staff, at kaming taga council. Final touches para sa opening ng sportsfest mamaya. Walang pang 5:30am ay kompleto na kami sa SCO at nakasalampak sa sahig para maggupit ng colored and glossy papers para gawing confetti. Ang iba samin ay tinatapos ang props ng team nila. Strictly no buying of props ang isa sa rule para sa bawat team. Kasama rin kasi sa ijajudge ang props na gagamitin para sa cheer dance mamaya.


"Di'ba props lang para sa cheering ang bawal bilhin? Bakit hindi tayo bumili ng confetti eh para sa opening at awarding naman 'to?!"-reklamo ni Ayson. Napatingin kami sa Vice, nasa labas kasi ang president at may inaayos sa multi purpose hall.


Agad na nagreact si Pierro matapos makitang nakatingin kami sa kanya. "Oh ba't parang ako ang ginugupit niyo ng tingin? Si Jade ang nakalimot maglagay sa listahan. Kagabi lang naalala na kailangan nito."


Napalingon kami kay Jade na nakasalampak sa sahig at naggugupit. Agad naman niya kaming nilingon at ngumiti ng malaki sa'min.


"Sorry na, fam. Ayaw niyo nito may bonding tayo? Hehe."


Napailing ako, binato naman nila ng colored paper si Jade. Maya maya pa ay pumasok sina Caile at ibang officers na kasama niya sa baba at tumulong sa amin sa paggugupit. Hindi na namin napansin ang oras at maliwanag na sa labas nang matapos kami sa paggugupit. Sunod sunod kaming napahiga sa lapag, malinis naman dito.


Nangawit ang likod ko doon ah.


"Almusal tayo."-aya ni Caile sa lahat.


"Sama 'ko."

"Ako rin."

"Libre ni Caile, sama ako!"


"Siraulo hindi."-sagot ni Caile kay Henrix.


"Ay."


Sa huli ay apat lang ang sumama kay Caile, ang iba ay magpapahinga raw muna.


"Tami, tara."-aya ni Jade sa'kin nang dumaan siya sa pwesto ko. Napatingin ako sa kanya, sunod kina Caile na sandaling nahinto sa paglabas nang marinig na ayain ako ni Jade. Bigla akong naconscious nang makitang tutok ang paningin nila sa'kin kaya naman mabilis akong umupo ng maayos. Ang akala siguro ni Jade sasama talaga ako kaya hinila niya ako patayo. Bago pa ako makapagsalita ay inangkla na niya ang braso niya sa braso ko, wala na akong nagawa. "Hay nagugutom na 'ko."


Nagkalat ang students habang pababa kami ng 1st floor, lahat ay suot na ang kanya kanya nilang tshirts na ang kulay ay nakabase sa kung anong team sila. Lahat kami sa council ay PE uniform pa ang suot pero maya-maya lang ay magpapalit din kami.


Halos walang student sa caf pagpasok namin. Dahil doon ay agad kaming pumwesto sa bungad. Nagkanya kanya rin kaming bili ng pagkain pero by group, nauna ang ibang officers habang naiwan kami nina Jade at Caile sa upuan. Nang makabalik sila ay kaming tatlo naman ang tumayo para bumili ng pagkain.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now