Ch. 26: Caile's second move

176 13 1
                                    


CAILE'S POV


Katulad ng nakasanayang routine ko araw araw, bahay-Thelistine-SCO-classroom-bahay. 


Today may bagong transferee, at sa section namin iyon napunta. Lalaki. Agad na nagsiayos ng upo ang mga babae, syempre mahaharot, inaasahan nilang mapapansin sila ng bagong salta. May itsura rin kasi si kuya eh.


"Good morning, I'm Steven Medina..."-mahina at halos nakayuko lang siya sa harap, malamang nahihiya. Naghanap ng bakanteng upuan si ma'am at sa row lang namin may bakante. Bawat isang row kasi sa ay may tig-aanim upuan, at lima lang kami sa row namin. So sa row namin siya napunta, si Nikko na nasa may bintana pinalipat sa tabi ni Milliano kung saan wala namang nakaupo para yung transferee sa tabi nalang ng bintana para kahit papano hindi awkward sa kanya na pumagitna sa'min.


Nagsimula na ang discussion ni ma'am for today at lahat naman kami nanahimik na. Sa sumunod na subject ay vacant kami dahil absent ang teacher. Narinig kong nagsisimula nang kilalanin nina Nathe ang transferee, kinuha ko nalang sa bag ko ang book na binabasa ko para may magawa ako.


"Saang school ka galing?"-nakaringgan kong tanong ni Nikko.


"Helene school, malapit lang din dito."


Sandali akong natigilan at napaisip. Helene school? Dumadami ata ang transferee dito na galing sa school na 'yon ah.


"Ah. Eh bakit ka lumipat?"-tanong naman ni Josh.


"Ah, eh..."-hindi nakasagot ng maayos 


"Girlfriend?"-tanong ni Milliano bigla.


"Wala ako no'n."


"Pansin ko lang, kanina mo pa tinitignan isa-isa iyong mga kaklase natin, may hinahanap ka ba o kinikilala mo lang sila isa-isa?"-tanong uli ni Nathe. Ang daldal nila, baka naiilang na ang transferee. Hindi ko na narinig na sumagot pa yung Steven.


Matapos ang higit isang oras ay pumasok na ang chemistry teacher namin at nagstart na uli ang lesson. Matapos no'n ay break time na. Dahil may transferee, may responsibility kaming i-tour sila sa buong campus para ma-familiarize sila sa lugar.


"Excuse me."-tawag pansin ko kay kuya, lima silang lumingon sa'kin, kasama  na iyong apat kong kaibigan. "May orientation para sa'yo para malaman mo ang SC rules and do's and don'ts. It would consume your break time, okay lang ba?"


"Yes."-bahagya pa siyang ngumiti, tumango naman ako para ipaalam na magsisimula na iyon ngayon. Tumayo siya, si Josh naman ay biglang humarang sa daan ko.


"Prend pwede mo rin siyang ipagkatiwala sakin, ako na ang magtutour sa kanya."


"Baka kung saan mo pa dalhin, wag na."


Nakasimangot na umalis siya sa daan, inintay ko naman si kuya. Sa SCO muna kami pupunta.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now