Ch. 48: Sports Fest II

160 12 0
                                    


AIMEE'S POV


"Anong meron sa hindi paggamit ng apelyidong Viero? Anong napapala mo doon?"


Tanong ni Andy na bumasag sa katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko siya nilingon pero inisip ko ang rason.


"Peace."


Partly, yes. Pero hindi lang iyon ang rason ko, and I intend not to mention about it. 


"Ang babaw."


"And?"-angal ko, walang buhay. Hindi ko maramdamang magsungit sa kanya ngayon. "Bakit ka ba sumunod dito?"


"Wala akong mapuntahan eh."-sagot niya. Nilingon ko siya, nakatanaw din siya sa malayo tulad ng ginagawa ko kanina. 


Ginugulo ng hangin ang buhok niya na hindi naka-wax, I'm thankful that my hair is pony-tailed 'cause if not, baka kinakain ko na ang bawat hibla ng buhok ko ngayon.  


Bigla siyang lumingon sa'kin, nagulat ako pero hindi ako umiwas ng tingin. "Ano?"-I manage to ask. Bigla siyang tumawa.


"Ayos ka rin ah, ikaw ang nahuli kong nakatingin sa'kin tapos ako ang tatanungin mo ng bakit?"


"Well..."-wala akong nasagot. Sinilip ko ang orasan ko, 8:30am na. Tumingin uli ako sa kanya. "It's almost time, hindi ka pa ba bababa?"


Sa pagkakaalam ko kasi 9am ang umpisa ng program proper, at 10am ang cheerdance. Dapat nga ngayon nandoon lang kami sa room na assigned for cheerleaders pero ayokong tumambay doon. Bukod sa amoy make-up ang paligid, ang dami pang maingay. As if napakalayo ng mga kausap nila sa kanila. Nakakairita lang.


"Hindi ka pa sasabay?"-tanong niya.


Umiling ako. Ayoko pang bumaba. "Nah. Ayoko pang umalis."


"Edi ako rin."


I rolled my eyeballs. He's somewhat clingy. Pero hindi naman ako naiinis, I wonder why.


Maya maya pa biglang tumugtog ang banda, iba iyon sa tunog na madalas nilang pinapractice.


"What's that?"-tanong ko sa kanya. Tumayo siya.


"Malapit na magsimula ang program. Bumaba na tayo."


I was about to protest pero hinila na niya ako patayo. "Ouch."-reklamo ko while massaging my wrist.


"Sorry."-he said halfheartedly. Napairap ako at naunang maglakad pababa. Nakasunod pa rin siya sa'kin hanggang makarating kami sa ground. Wala ba siyang kaibigan na masamahan? Ako kasi wala. 

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon