Chapter 59

225 15 7
                                    


AIMEE'S POV


Second week of December and Christmas is fast approaching. Saturday morning and I found myself wanting to window shop, at bumili na rin ng kung anong matipuhan ko. 


Pero tinatamad akong kumilos. 


10am palang, I opened the window of my room para pumasok naman ang liwanag sa kwarto ko. It's so dull here, isa sa rason kaya ayokong nakakulong lang sa kwarto. Pero mas ayoko namang nakatambay sa labas. 


Dang.


I reached for my phone saka hinanap ang number ni Meg sa contacts, I tried calling her pero hindi niya sinasagot. Maybe she's with her boyfriend... or whatever.


Wala namang masama kung mag-isa akong pupunta di'ba? So why not? 


Nag-isip ako ng mga gusto kong bilhin habang namimili ng damit, nang makapili ako ay mabilis akong naligo at inayos ang dadalhin kong gamit. Pagbaba ko ay nasa sala ang mama ni Tamarra, she smiled upon seeing me, na palagi naman niyang ginagawa.


"Aalis ka?"


"Yes."-tipid kong sagot saka binuksan kunwari ang phone ko para hindi na niya ako tanungin uli. Paglabas sa porch ay si dad naman ang nandoon at nagbabasa ng broadsheet.


Sinubukan ko siyang lampasan ng tahimik pero napansin niya pa rin ako.


"Where are you going, lady?"


Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya. "Mall. I need to buy something."


"At hindi ka magpapaalam?"


Napansin kong itinupi niya ang newspaper at umayos ng upo.


"Hindi ko alam na mapapansin mo ako."


"And your point is?"


"Dad."-reklamo ko. "Aalis na ako."


"Isama mo si Tamarra."


Biglang nagpantig ang tenga ko.


"For what?!"


"For companion."-lumingon siya sa garden, napalingon din ako doon at hindi ko napansin kanina na nandoon pala si Tamarra. Nakalingon din siya sa'min ngayon. "Tam, samahan mo ang kapatid mo."


Bigla akong kinilabutan. Inis na humarap uli ako kay daddy. "No way, I can manage. I'll be back, don't worry."-bago niya ako mapigilan ay nagmadali na akong lumabas.


Nagtaxi nalang ako dahil kung magdadala ako ng kotse at driver ay magiging kalkulado ang oras ko, baka bago maghapon ay ihatid na agad ako pauwi. At ayoko no'n. 

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon