Chapter 65

381 13 8
                                    


CAILE'S POV


l 1st week of March l


Umagang umaga ay sobrang dull ng paligid. At hindi ko masisisi ang mga estudyante, lahat ay natitensyon dahil mamayang tanghali na ipopost sa bulletin board ang list ng students na pumasa sa big five universities.


Thelistine University, Amethyst University, Clarence Aile Universiry, Aiart University and University of Academic Scholars ang tinuturing na top universities sa'min at kung makapasa ka kahit isa lang sa mga university na iyon ay may direksyon na ang future mo.


"Huy, siguraduhin niyong pumasa kayo sa Thelistine ha. Kingina hindi talaga ako aalis sa Thelistine."-si Joshua maya maya.


Natawa ako. "Tapos lahat pala kami pumasa doon maliban sa'yo oh."-biro ko habang pinapatunog ang mga daliri ko sa kamay. Medyo medyo lang ang kaba ko. Nagtake kami ng entrance exam sa limang university na iyon at pakiramdam ko naman may napasa akong exam kahit isa sa limang 'yon. Kung sakali man, gusto kong sa Thelistine U sana. 


"Wag kang magbibiro ng ganyan, prend. Kung alam mo lang, nasa isip ko rin 'yan."-nakasimangot na sagot niya. 


Natawa kami.


Umayos ng upo si Nathe. "Saan ba kayo nadalian sa exam? Sabihin niyo nga nang makita natin kung saan tayo posibleng makapasa. Ako sa Aiart lang. Yung sa Thelistine mga prend, ginapang ko 'yon."


"Sino ba sa'tin ang hindi ginapang ang exam sa Thelistine, pagkahirap hirap naman kasi no'n, parang walang balak na ipasa ang kung sino mang magtitake. Pero sa Aiart din ako nadalian, yung sa Amethyst pwede na."-sagot ni Nikko.


"Habang nag-eexam iniisip ko kung may sagot ba talaga doon sa questions sa test booklet ng Thelistine, madugo yung mga tanong eh. Lalo na yung math. Pambihirang math."-si Steven. "Sa Amethyst ako nadalian, saka CAU."


"Sa CAU at Aiart ako nadalian."-si Millie.


"Sa Aiart din ako. So majority sa'tin sa Aiart nadalian. Kung sakaling makapasa tayo doon, hindi pa rin natin masasabing lahat tayo doon makakapasok. Hays. Ayokong mahiwalay sa inyo."-kunwaring sumimangot si Joshua, saka siya lumingon sa'kin. "Oh ang mayabang na presidente saan nadalian?"


Nginisihan ko lang siya. "Sa lahat."


Nanlaki ang mata niya. "Sa lahat?"


Tumango ako. "Sa lahat... maliban sa Thelistine."-sinundan ko 'yon ng tawa.


"Mayabang talaga ang isang 'to."-iiling iling na sagot ni Josh. 


"Buti pa sa entrance exam sa high school level, madali lang. Lahat nga tayo sa Einstein pumasa eh. Pagdating ng college AT pahirapan na. Siguro kung hindi tayo lumipat dito sa Newton eh hindi tayo masyadong mahihirapan sa exam na 'yon."-si Nathe.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now