Ch. 56: Observation

193 14 1
                                    


ANDY'S POV


Panibagong araw. Habang tumatagal ay nababagot ako. Walang bago sa bawat araw na dumadaan, paulit ulit lang ang nangyayari at ang dry no'n.


Nag-inat ako, hindi ko na pinansin kahit na naglalakad ako at may mga nakakasabay na mga estudyante na nililingon ako. Nginitian ko nalang sila at ngumiti rin naman sila.


Biglang may pumalo sa tyan ko.


"Oww!"-Napayuko ako, nilingon ko ang tumabi sa'kin. "Sira ulo ka ah!"-sigaw ko kay Jeric.


"Magandang umaga rin."-ngingiti ngiti niyang sagot, inambahan ko siya ng batok, parang dagang lumayo naman siya bigla. 


"Anong problema mo?"-tanong ko nang makabawi, hinimas ko ang tyan ko.


"Nakita kita eh, binabalandra ang tyan. Wag ganon, Andy, sa akin mo lang dapat pinapakita 'yan."-inipit niya ang buhok sa likod ng tenga, kinilabutan ako ng pumormang hahalik ang labi niya. Itinuloy ko na ang pagbatok sa kanya. "Aray naman!"


"Wag mo akong umpisahan sa ganyan."


Binilisan ko ang lakad para mauna ako sa kanya, naiiling na pumasok ako ng building namin. Panibagong araw na uumpisahan na naman para sa pag-aaral. Nakakatamad talaga. Saktong ala-syete na pero iilan palang ang tao nang pumasok ako ng room. Umupo ako sa upuan ko sa huling row saka inisip kung paano palilipasin ang maghapon.


Magpapasko na pero kahit anong lagay ng mga dekorasyon, hindi ko makita ang buhay sa paligid. Hindi ko alam kung ako lang ba iyon o ano.


Unti unting nagsidating ang iba, dumating ang 7:30am na pero kahalati palang ang tao dito, medyo umiingay na dahil sa kwentuhan ng iba. 


Nakatingin ako sa pinto nang biglang pumasok doon si Caile na kakarating palang. Nagulat ako nang ang bigla siyang napalingon sa akin, nagkasalubong ang tingin namin. Akala ko babawiin din niya iyon dahil hindi naman sinasadya iyon pero hindi, nakatingin siya sa'kin hanggang makalapit siya sa upuan niya na nasa second row, nang maaninag ko ng maayos ang mukha niya ay nakakunot pa ang noo niya. Nagtaka ako, diba dapat ako ang nakakunot ang noo sa'ming dalawa? Siya itong nakatingin sa'kin nang walang dahilan.


Naputol lang ang tinginan nang ilagay niya ang bag niya sa upuan saka umupo, agad siyang kinausap nina Steven at Milliano na nandoon na rin. Naiwan sandali ang tingin ko sa likod niya bago ibinaling iyon sa iba.


May problema ba 'yon sa'kin?


Ilang beses ko na siyang nahuhuling nakatingin sa'kin nito lang linggo na 'to. At hindi ko siya matanong kung bakit. Minsan ay nakakaramdam ako na parang may sumusunod ng tingin sa'kin, hindi ko alam kung sino pero dahil siya ang nahuhuli ko, baka siya rin iyon.


Magkaroon lang ako ng pagkakataon ay tatanungin ko talaga siya.


Ways For Her To Dislike HimKde žijí příběhy. Začni objevovat