Ch. 21: Pageant Night II

158 15 0
                                    


CAILE'S POV


"Stand by, candidates! Three more minutes left!"-sigaw ni Jade na isa sa committee leaders. Pagkarinig ko no'n ay iniwan ko na sina Nathe na kausap ko para lumapit na kay Tamarra. Nasa gilid siya ng stage at sumisilip silip. Curiously, ginaya ko rin siya.


Madaming tao. Kinabahan ako. Bigla naman siyang napalingon sa'kin.


"Ay, kabayo!"


"Leche."-dumulas sa dila ko.


"S-Sorry."


Tinignan ko lang siya and guilt is visible on her face, hindi na nga niya ata napansing napamura ako. 


Natapos na ang opening production ng Thelistine High band at na-set naman nila ang mood ng crowd dahil ngayon ay very energized na ang students. Nagkanya-kanya na kaming pwesto sa likod dahil kami naman ang susunod na lalabas for opening number.


Ang paglabas ay by pair na mauuna sa pinakahuli hanggang una. Halos hindi na ako huminga nang isa isa kaming lumabas mula sa likod. Bawat may lumalabas ay palakas nang palakas ang sigawan ng students, but I could barely hear them dahil mas malakas ang tibok ng puso ko dala ng tensyon.


Nakakasilaw ang ilaw at nakakabingi ang sigawan but here I am, parang namanhid ang buong katawan ko when I felt Tamarra's cold hands against my own hand. Hinawakan niya iyon, naghahanap ng suporta dahil katulad ko, kinakabahan din siya.


Focus, Caile. Pwede kang magmukhang tanga sa harap ni Tamarra pero hindi sa mga estudyante na nanoood sa inyo, anong gagawin mo kung dahil sa pagkadistract eh madapa ka dyan? 


Nairaos naman namin ang opening number, and surprisingly, after that nerve-wrecking production ay nagloosen up ako at nawala ang kaba ko. Pakiramdam ko dahil nairaos ko ang unang phase ay mairaraos ko rin ang mga susunod pa.


But after that opening, hindi ko na hinayaang dumikit pa sa'kin uli ang balat ni Tamarra. Good thing na halos walang skin contact ang steps sa sinayaw namin ngayon ngayon lang.


Habang nagriready ang iba para sa introduction ay biglang lumapit sa'kin si Aimee. Her face was well made-up as well as her emotion.


And she surprised me with her opening statement. "Para kang tuod."


"What the?"-Nanlaki ang mata ko sa binulong niya. Walang utang na loob, parang kanina lang tinulungan ko siya ah.


"I'm watching you. Bakit hindi ka magmake ng move? Chance mo na."


About that way again. Huminga ako ng malalim saka sinalubong ang tingin niya.


"Gimme a tip."


Ngumisi siya and that made her look bitchier. "Easy. Ipakita mo lang na concern ka sa kanya. Ask her from time to time kung okay lang ba siya, kasi sa nakikita ko, she's nervous. Make her calm down."

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now