Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra

203 16 0
                                    


CAILE'S POV


Nakasunod ako ng tingin kina Andy at Tamarra nang biglang may babaeng dumaan sa pagitan nila at natapunan nito ng kung ano mang hawak nito si Andy.


Nagpaalam si Andy kay Tamarra, mukhang pupunta atang restroom para magbanlaw, sinundan ko siya ng tingin pero si Aimee ang nakita ko.


Tumango siya bigla sa'kin, hindi ko naman naintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Maya maya lang tumalikod siya at kung hindi ako nagkakamali, susundan niya si Andy.


"Try to get Tamarra's attention tonight. If ever na kasama niya si Andy, then I'll help you. Akong bahala kay Andy."


Siya ang bahala kay Andy. So plano niyang bakuran ngayong gabi si Andy para hindi na uli ito makalapit kay Tamarra?


Should I move na ba?


Nakita kong nag-iisa si Tamarra, malamang iniwan siya ni Andy eh. Pikit mata at pigil hiningang nilapitan ko siya.


"Hi."


Mabilis siyang lumingon sa'kin at pilit na minukhaan ako.


"Hello. Kilala ba kita?"


Oo. Ako kaya si kamatayan at kukunin na kita kasi peste ka.


"I'm Luffy."-dahil sa wala akong maisip na iayos, nag Monkey 'D Luffy outfit nalang ako.


"Ahh. I'm Tamarra."


Ay tanga. Ang akala siguro niya Luffy ang pangalan ko. 


Tumawa ako para pagtakpan ang yamot ko sa katangahan niya.


"I know, you're my secretary."


Nangunot yung noo niya. "Secre—"-biglang nanlaki ang mata niya nang alisin ko ung straw hat ko. "Caile!"


Tumango nalang ako.


"Sabi mo ikaw si Luffy?"


I almost rolled my eyes. Wow naman talaga, Andy, magi-girlfriend ka nalang, slow pa. Tinuro ko nalang 'tong suot ko. Siguro naman maiintindihan na niya iyon.


"Lucy ng Fairytail?"-tanong ko pertaining to her costume.


"Ah. Yeah."


Katahimikan sa pagitan namin ang sumunod na nangyari. Nilibot ko ng tingin ang paligid, nagpaparty na sa gitna ang ibang estudyante, ang iba naman nagkalat sa buong hall. May nagkikwentuhan, kumakain, umiinom. May halo kasing kaunting alcohol ang ice tea na nakaserve. Meron din namang walang halo para naman doon sa ayaw sa alak.

Ways For Her To Dislike HimWhere stories live. Discover now