Chapter 63: After this

113 8 1
                                    


Note: Hi! If ever tapos niyo naman na itong story at biglang nagnotif sa inyo ang new part na ipopost ko, kindly ignore nalang. The scenes here was a part of Chapter 62, masyado lang mahaba ang part na 'yon kaya hinati ko nalang. Salamat!

Ps: If ever naman gusto niyong ire-read, go lang. Hihihi.

_____________________


Aimee's POV


I woke up late the following day. The first thing I did after taking a bath is to check through my phone. I've got some messages, like the usual, pero iyong 'good morning brat' message from Caile ang nakapagpangiti sa'kin unconsciously.


Whatever, Ae.


Hindi ko na 'yon nireplyan at bumaba nalang kasi it's almost lunch time na, and saktong pagbaba ko ay naghahanda na ang maids ng lunch. Sa kusina ako dumiretso, pumwesto ako sa kitchen counter, nagulat si manang na nasa harap ng counter dahil sa bigla kong paglitaw sa harap niya.


"What are you doing, 'ya?"


"Dessert para mamaya."-she smiled warmly, ako lang ang binibigyan niya ng ganoong smile. Syempre she's my yaya, sa kanya na ako lumaki, and she's considering me as her grand daughter. Masyado na siyang matanda para maging second mama ko pa, so siya na ang may sabing ituri ko nalang siyang lola.


Tinignan ko ang inaayos niya, it's graham cake.


"That's my favorite."-I smiled wildly. 


Pinanood ko kung paano siya kumilos para ayusin ang dessert, pero maya-maya lang ay sa napa-angat ako ng tingin sa kanya nang huminto ang kamay niya sa pagkilos.


Then I saw her watching me as I watches her finish her platting. Napatitig ako sa kaya and I almost raise an eyebrow when I noticed a faint smile on her lips habang nakataas din ang isang kilay niya habang nakatingin sa'kin.


Hindi ko alam kung bakit pero later on I found myself giggling at the way she stares at me.


"What?"-natatawang tanong ko.


Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya, pero pasulyap sulyap siya sa'kin through her eyelashes, at hindi nawawala ang half smile niya.


"Bakit ang saya ng alaga ko?"-tanong niya after giving me multiple glances. 


"Po?"-takang tanong ko.


"Ang saya mo kako, ta'mo't walang nakakatawa pero nakangiti ka."-sinabayan niya iyon ng mahinang tawa, at natawa rin ako kahit hindi ko alam kung anong nakakatawa. "Isa pa..."-bigla niyang binitawan ang ginagawa niya at nilagay ang pareho niyang kamay sa magkabilang pisngi ko, hindi naman ako nakaatras. Medyo pinisil niya ang pisngi ko, napaaray ako, saka niya tinitigan ang mata ko.


"Ya?"


"Ang ganda ng mata mo."

Ways For Her To Dislike HimOnde as histórias ganham vida. Descobre agora