Chapter Thirty

5.1K 191 2
                                    

NAALIMPUNGATAN SI RALPH sa sunod sunod na ingay na nanggagaling sa cellphone niya. Pikit mata siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa sahig at sinilip ang mag-iina niya kung nagising ba sa ingay ng cellphone niya. Napabuntong hininga naman siya ng makitang mahimbing pa rin ang mga tulog nito. Napangiti na lang siya ng makitang nakayakap ang kambal niya sa ina nito, ganun rin ang nobya sa anak.

'What a pretty scene.' Naiiling na sabi ni Ralph bago nagtungo sa mini table ng kwarto, kung saan naroon ang cellphone niya. Sinipat niya ang oras at nakitang ala una pa lang ng madaling araw. Napakunot naman siya ng noo at mabilis na inatake ng kaba ng makitang si Zeke ang tumatawag.

Agad niyang pinindot ang green button at sinagot ang tawag ng kaibigan. "What's happening?" Seryosong tanong ni Ralph sa kaibigan. He knows Zeke. Hindi ito tatawag ng ganitong oras kung hindi importante at walang masamang mangyayari.

'Just like before, bago mawala ang nobya 3 years ago.'

"Get up and leave the island now. 10 minutes from now nanjan na sina Caleb at ang iba nating mga kaibigan. May mga ipinadala rin akong tauhan to help para masecure kayo jan at maayos na makaalis-"

"What the fucking hell is happening Zeke?" Putol na tanong ni Ralph sa sinasabi ni Zeke.

Narinig ni Ralph ang pagbuntong hininga ng kaibigan bago sumagot. "Cronus Syndicate is after you. Nahanap na nila kayo nina Zairene. Minutes from now ay parating na sila so stop asking me kung ano ang nangyayari. Just fucking leave that fucking island now!" Sagot ng kaibigan sa kanya at mabilis na pinatay ang tawag.

Hindi na nagsayang pa ng oras si Ralph. Agad niyang nilapitan ang dalaga at ginising ito.

"Babe wake up! We have to leave this place." Mungkahi ni Ralph sa dalaga habang niyuyogyog ang balikat nito.

Naalimpungatan naman si Cray dahil doon at kunot noong bumangon bago tumingin sa binata.

"What the fuck Ralph? Inaantok pa ako." Inis na sabi ni Cray sa binata.

"I know and I'm sorry. But we have to fucking leave. Kristoff together with his syndicate is coming. They are after us. Nahanap na nila tayo so we have to leave." Agad na sabi ng binata habang hinahawakan ang kamay ng dalaga.

Tila nawala naman ang antok ni Cray sa katawan at agad na binalingan ang mga anak sa tabi niya. Akmang gigisingin ni Cray ang mga ito ng pigilan siya ni Ralph.

"Don't." Sabi ni Ralph bago tumayo. May kung anong kinuha siya sa ilalim ng cabinet at dinala iyon sa harapan ni Cray. It's a big black bag. Ang akala ni Cray ay damit ang mga iyon ngunit laking gulat niya ng makitang mga baril, bala at bomba ang laman nun.
May kinuha naman si Ralph sa bulsa ng itim na bag at ibinigay iyon kay Cray.

"Ano 'to?" Takang tanong ni Cray sa binata.

"Mini earphones. Pinagawa ko yan sa organization personalized para sa mga bata. Ilagay mo sa taenga nila. Just in case na magkaputukan ng baril ay wala silang maririnig. They're too young to witness such violence." Paliwanag ni Ralph habang masuyong nakatingin sa mga anak. Pagkuwa'y bumaling siya sa dalaga na nakatingin sa kanya.

"Hurry babe, para-" hindi na natuloy ang sinasabi ni Ralph ng may marinig silang tunong ng helicopter sa labas ng bahay. Sinilip iyon ni Ralph mula sa bintana at laking pasalamat niya ng makitang ang mga kaibigan niya iyon.

"They're here. Let's go." Agad na sabi ni Ralph at tinulungan ang nobya na ilagay ang mini earphones sa taenga ng mga anak. Binuhat ni Ralph si Raphael since mas mabigat at chubby ito kay Raffy. Si Cray naman ang bumuhat kay Raffy at sumunod kay Ralph na naglalakad na palabas ng kabahayan.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Where stories live. Discover now