Chapter Nineteen

4.6K 166 4
                                    

"WHERE'S RALPH AND CRAIGE?" agad na tanong ni Zeke ng makapasok siya ng meeting hall.

"I'm here." Sagot ni Ralph sabay taas ng kamay.

"Wala si Craige. Nasa hospital binibisita si tita." Imporma naman ni Caleb sa kaibigan. Tumango tango naman si Zeke at umupo sa kanyang upuan.

"What's the communion by the way?" Malamig na tanong ni Ralph.

"There's a mission dude. Kayo ni Craige ang partner dapat kung nandito lang yun." Cole said, but Ralph just smirk at what Cole said and tilt his head.

"Better. I don't want him to be my partner either." Ralph said coldly.
Napailing naman si Zeke sa tinuran ng kaibigan habang nakatingin dito.

"It's been three fucking years Ralph. Don't blame Craige, it's not his fault." Zeke said while looking at Ralph.

"I agree with Zeke dude. You know Craige, we know him for years." Pagsang-ayon naman ni Keir.

Hindi umimik si Zeke sa sinabi ng mga kaibigan niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga ito at naghihintay ng mga susunod na sasabihin.

Napailing naman si Zeke dahil mukhang walang balak magsalita ang kaibigan. He can't blame him, naiintindihan niya ang nararamdaman ng kaibigan. But, he can't blame Craige of what happened three years ago either. Craige is innocent from all of this. Walang kinalaman ang kaibigan sa nangyari sa kapatid niya. Besides, Craige is suffering too. Dahil hanggang ngayon ay comatose pa rin ang mommy nito.

Tumayo si Zeke at ibinigay ang black folder kay Ralph. "That's your mission. Keir is your partner since Craige is busy." Mungkahi ni Zeke bago tuluyang lumabas ng meeting hall.

Kinuha naman iyon ni Ralph at binasa. It is Cronus Syndicate, may transaction silang mamayang gabi at mga illegal na droga iyon galing U.S.

"Mamayang hapon tayo aalis. Kailangan natin magmanman sa buong lugar." Mungkahi ni Keir sa kaibigan.

"Matinik ang sindikato na yan. Lalo na yung babaeng nakatama kay Andrei. Asintado, halatang bihasa sa paghawak ng baril." Singit ni Caleb.

"Ang lakas pang manapak. Nasikmurahan ako ng babaeng yun kahapon, tangina! Kulang na lang isuka ko ang bituka ko sa sakit." Cole.

"Same routine, I'll be your eyes Ralph at si Blake naman ng mata ni Keir. " Liam na nagtitipa na naman ng kung ano sa laptop niya.

Hindi na sumagot si Ralph at tumayo na lang sa kinauupuan dala dala ang black folder. "Let's see at 3pm on Secret Room. Babalik muna ako sa opisina ko." lintaya ni Ralph at nagsimula ng naglakad palapit sa pinto. Ngunit hindi pa siya nakakalabas ng pinto ng magsalita si Liam.

"Bro, tumawag si tita Casmen. Nag out of town daw sila ni daddy. Alam muna, wedding anniversary nila bukas." pag-imporma ni Liam sa kay Ralph.

"Tsk! Just tell them na huwag na nila akong bigyan ng bagong kapatid. Sa mukha mo pa lang sawa na ako." Sagot lang ni Ralph bago tuluyang umalis ng meeting hall.

ALAS SYETE Y' MEDIA pa lang ay nasa abandonadong building na sina Ralph at Craige, kung saan may magaganap na transaction ang Cronus Syndicate sa iba ring sindikato galing US.
Tahimik lang silang nagmamanman sa paligid at naghihintay sa pagdating ng mga sindikatong huhulihin.

"They're coming." Agad na naging alerto sina Ralph at Keir ng marinig ang sinabi ni Liam. Nasa isang madilim na bahagi sila ng building na kung saan ay makikita nila ang buong transaction.

"Ilan sila?" Tanong ni Keir.

"Walo ang Cronus at pito ang ka-transaction nila. Kasama ng Cronus ang dalawa sa tatlong babae na sinasabi naming nakasagupa nina Van. Isa roon ang nakatama kay Andrei, yung matinik na babae." Imporma ni Blake kina Ralph at Keir.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon