Chapter Twenty One

4.6K 168 10
                                    

MAAGA PA LANG AY binihisan na ni Cray ang dalawa niyang anak. Nangako kasi siya sa mga ito na ipapasyal niya ang kambal at mamimili sila ng mga laruan.

"Mymy, can we buy a lot of toy cars there?" Tanong ni Raphael sa kanya.

"What about a real car mommy? Can you buy us a real car and teach us how to drive like a pro mom?" Tanong naman ni Raffy.

Natawa na lang si Cray sa mga request ng anak niya. Hindi niya alam kung sa tatay ba nito o sa kanya namana ang pagkahilig ng mga kambal kotse. Mahilig din manood ang kambal ng car racing sa TV, at gustong gusto ng mga ito kung paano magpatakbo ng mabilis ng kotse.

'Mabilis ba ako magpatakbo ng kotse noon?' Hindi mapigilang tanong ni Cray sa sarili.

"Let's go Cray, bring your babies here. Si ninang na ang mag d-drive." Napalingon naman si Cray kay Lorraine na bihis na bihis din. Ito ang laging kasama niya sa tuwing mamamasyal sila ng mga anak niya. Para niya nang kapatid ang turingan nila sa isat isa.

Maliban kay Kristoff ay si Lorraine ang laging nanjan noong panahon na nangangapa pa siya dahil wala siyang maalala. Dagdag pa na buntis siya noong mga panahon na iyon. May mga pagkakataon din na sumagi sa isip niya kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Kung sino ba talaga siya at kung sino ang ama ng mga anak niya.

"Baka lumubog ka na niyan sa lalim ng iniisip mo." Mabili na napakurap naman si Cray sa narinig. Nakita niya si Lorraine na nakapamewang sa harap niya habang nasa gilid nito ang mga anak.

"Oh sorry, may iniisip lang ako. Let's go na?" Masayang tanong ni Cray at hinawakan sa magkabilang kamay ang kambal.

"Baka naman yung papi na nakalaban mo kahapon. Yung kwenento mo." Nakataas na kilay na tanong ni Lorraine sa kanya, habang naglalakad din kasunod nila.

"Shut up Raine. Hindi siya ang iniisip ko. I'm just thinking about my past. Kung sino ba talaga ako at kung paano  ako nakita nila Kristoff." Mahinanong paliwanag ni Cray habang naglalakad palapit sa kotse nila. Maingat niyabg ipinasok sa likod ng kotse ang kambal at nilagyan ito ng seatbelt.

"Actually curios din ako sa pagkatao mo. You're good in hand to hand combat, even sa mga baril bihasang bihasa ka. Minsan iniisip ko ngang dati kang myembro ng gang or Mafia." Natatawang sabi ni Lorraine sa kanya bago pumasok ng kotse.

Napaisip naman si Cray sa sinabi ni Lorraine sa kanya. May punto ito dahil totoo ang mga sinasabi ng kaibigan. Pero paano niya naman mapapatunayan iyon kung wala siyang memorya. Hindi niya alam kung sino siya o kung may pamilya pa siya. Kung meron man ay bakit pakiramdam niya hindi siya hinahanap ng mga ito, kahit ng ama ng mga anak niya.

Hindi na lamang sumagot si Cray at sumakay na lang sa kotse. Pinaharurot naman iyon ni Lorraine ng makasakay na siya at muling nagsalita.

"Kung curious ka talaga sa pagkatao mo at gusto mong masagot ang mga matagal mo ng tanong, bakit hindi mo subukang kausapin ang nakalaban mo kahapon." Suhesyon ni Lorraine kay Cray dahilan para mapakunot ang noo ng dalaga.

"What do you mean?" Tanong ni Cray sa kaibigan.

"Well, diba sabi mo kagabi niyakap ka ng papi na yun, tapos tinawag ka pang 'babe' at 'Zairene'. Tapos umiiyak pa sa siya habang nakatingin sayo. At last but not the least, sabi mo pakiramdam mo kilala mo din siya. Bumilis ang puso mo at nakaramdam ka ng halo halong emosyon habang nakatingin sa kanya. Hindi kaya... "

"Hindi kaya ano?"

"Hindi kaya kapatid mo yun-Aray!"

"Gaga! Babe tapos kapatid lang? Nag-iisip ka ba? Ang OA naman ng pinakita niya kung kapatid ko lang siya."

"Napakabrutal mo talaga! Binibiro ka lang eh." Napahinto naman si Cray sa sinabi ni Lorraine sa kanya. Biglang pumitik sa sentido niya ang kakaibang sakit kasabay ng mga pangyayari sa isipan niya.

'Aray ko babe! Napakabrutal mo talaga!" reklamo ng isang lalaking may malabong mukha sa isipan niya.

"Punyeta ka talaga! Minamanyak mo na naman ako.! " sagot naman ng isang babae na nakatalikod at pinaghahampas ang lalaking may malabong mukha.

Pilit na inaninag ni Cray ang mga mukha ng taong nasa isipan niya pero napapaigik siya sa sakit ng ulo niya.

"Hoy! Ayos ka lang? Anong nangyari sayo? Nauntog ka ba?" Alalang tanong ni Lorraine sa kanya na itinigil na pala ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Napatingin naman dito si Cray habang hawak hawak pa rin ang ulo niya dahil sa sakit.

"Sumakit bigla ang ulo ko. Tapos may mga tao akong nakita na nagbabangayan, pero hindi ko naman makita ang mukha nila malabo." Sagot ni Zairene sa kaibigan at tiningnan ito. "Pero yung mga boses... "

"Anong boses? Kilala mo ba ang boses na nagsasalita. " tanong ni Lorraine.

Tumango naman si Cray at sinulyapan ang kambal na tahimik na naglalaro sa likod bago ibinalik ang tingin sa kaibigan.

"It's my voice and I know ako ang babae. Tapos yung lalaking malabo ang mukha y-yung boses niya..."

"Ano?"

"Kaboses niya ang lalaking nakalaban ko kahapon." Sagot ni Cray sa kaibigan.

"Oh My God! So baka totoo nga ang sinasabi ng papi guy na nakalaban mo kahapon?" Nanlalaking mata na tanong ni Lorraine.

Tumango ulit si Cray sa kaibigan bago at muling sinulyapan ang mga anak.

"I need to talk to him Raine, napapagod na akong mangapa sa dilim."

"I can help you with that sis pero may problema pa tayo."

"Ano?" Takang tanong ni Cray sa kaibigan.

"Nang pumunta ako kahapon sa HQ, narinig ko si Kristoff na may kausap sa telepono."

"Anong narinig mong sinabi niya?"

"May kausap siya at ang tawag niya sa kausap niya ay 'my dearest sister'. Tapos may sinabi siyang 'wag mong lubayan ang Lauren na yan, hindi sila pwede magkitang dalawa ni Cray.' Yun ang narinig ko."

"Ibig sabihin may alam talaga si Kristoff sa pagkatao ko pero hindi niya lang sinasabi." Malamig na mungkahi ni Cray.

Napatango naman si Lorraine sa kaibigan at hinawakan ang palad nito.

"Sis mag-iingat ka sa mga gagawin mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon matutulungan kita. Alam mo naman kung bakit ako napasok sa sindikato na 'to hindi ba? Tsaka Cray... "

"Ano?"

"Narinig ko din na pinapasundan ka ni Kristoff sa mga tauhan niya."

____________________
A/N: Ayan na siya, nag-uumpisa ng magising si Cray sa katotohanan. May ideya kayo sino ang my dearest sister' ni Kristoff? Ako kasi wala haha.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon