Chapter Nine

4.6K 172 3
                                    

MALAKAS NA TUNOG na nagmumula sa cellphone ang nagpagising kina Ralph at Zairene na magkayakap sa kama.

"Sagutin mo nga yan. Ang ingay ingay. " yamot na wika ng dalaga at itinulak ang nobyo paalis sa kama. Nahulog naman sa kama si Ralph dahil sa ginawa ng nobya pero hindi na lamang nagsalita at tumayo na lang.
Nilapitan ni Ralph ang cellphone na kanina pa nag-iingay at napakunot ang noo ng makitang si Zeke iyon.

"What? " agad na bungad ni Ralph dito ng sagutin niya ang tawag.

"Magkasama ba kayo ni Zairene?" Tanong ni Zeke mula sa kabilang linya.

"Yes why? " kunot noong sagot ni Ralph.

"Hide. Wag muna kayong pumunta rito sa organization. Nagkakagulo ngayon dito dahil sa issueng kumakalat tungkol sa relasyon. Gusto nilang parusahan kayo ni Zairene dahil sa paglabag niyo. Kick out for you and for Zairene... "

"Anong gusto nilang gawin kay Zai?" Kinakabahang tanong ng binata ng tumigil sa pagsasalita si Zeke.

"They want death for my sister."

Naikuyom ni Ralph ang kamao dahil sa narinig na sagot. Napatiim bagang siya at hindi mapigilan hindi masuntok ang pader.

"Paanong bumaliktad ang parusa? Anong nangyari? " Tiim bagang tanong ni Ralph kay Zeke.

"I don't know either what happened. Nag-iimbestiga pa kami. But one thing is for sure, there's a mole inside the organization na gustong sirain Mafia. May gustong magpatalsik kay Dad as a King of Organization, at ginagamit ng kung sino mang taong iyon ang relasyon ng kapatid ko. " paliwanag ni Zeke.

Napahilot naman si Ralph sa noo dahil sa narinig at tiningnan ang nobyang nakahiga sa kama.

"Anong gagawin namin ngayon? Saan naman kami pupunta?" Frustrated na tanong ni Ralph sa kaibigan.

"Hide and run for now. Kami ng bahala rito basta ilayo mo ang kapatid ko dito. Delikado, mainit ang mata ng lahat sa kanya. Siya ang idinidiin sa issue. "

"Wala kaming mapupuntahan Zeke! Kahit saan kami magpunta  siguradong mahahanap kami ng kung sino mang traydor sa loob ng organization!" Pigil sigaw ni Ralph sabay sabunot sa buhok.

"I know a place. Don't worry, ipapasundo ko kayo. You'll be safe there. "

Tumango naman si Ralph sa sinabi ng kaibigan at dali daling kumuha ng bag.

"Mag-iimpake na kami, sunduin niyo kami bago lumabas ang araw." Ralph said habang nakatingin sa orasang nakasabit sa dingding.

'Fucking 3am, nice. Devil time.' Naiiling na mungkahi ni Ralph sa isipan bago pinatay ang tawag.

Nagsimula ng mag-impake si Ralph ng gamit nila ni Zairene. From cloths, undergarments, money and guns. Lahat ng iyon ay inaayos niya.

At Ralph's point of view ang akala niya ay tulog ang dalaga. But he's wrong, because Zairene is awake. She heard everything even the plan of his brother.

Sawa na siya sa pagtatago. Sawa na siya sa sitwasyon na meron sila ng nobyo. Napapagod at nasasakal na siya. Gusto na niyang makalaya, gusto niyang maging malaya ang relasyon nila ni Ralph. For the sake of their unborn baby, she'll do everything she can just to protect her love once.

Sinilip ni Zairene ang nobyo na abala pa rin sa pag-iimpake. Dahan dahan siyang bumangon sa kama at kinuha ang isang injection sa ilalim ng kama nila. That's for emergency cases only kaya siya naglagay ng injection na may pampatulog dun' and looks like the 'emergency' cases na hinihintay niya ay ngayon na pala.

Tiningnan muna ni Zairene ang injection na hawak at ang nobyo na hindi man lang napansin ang pagbangon niya. Dahan dahan niya itong nilapitan at mabilis na itinusok sa leeg nito ang injection.

"W-what the Z-Zai-" hindi na natapos ang sinasabi ng nobyo ng mawalan ito ng malay.

"I'm sorry babe, but this time I don't want to hide or run anymore. I promise I will fix this. Rest for now babe. " bulong ni Zairene sa nobyong nakahiga na ngayon sa kama.

Inayos muna ni Zairene ang pagkakahiga ng nobyo at kinumutan ito. Malakas ang epekto ng gamot na iyon kaya mamayang gabi o bukas pa ito magigising.

"I'll be back. I promise babe. We'll be back, me and our unborn baby. " naluluhang pagkausap ni Zairene sa nobyo habang hinihimas ang tiyan.

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo agad.   Gusto ko kasing sabihin kapag maayos na ang lahat. " Lintaya ng dalaga habang hinahaplos ang buhok ni Ralph.

"I know you'll be happy sa blessings na ito and I am happy too babe. Very happy. You did to much for us, let me take the rest now. I love you my pervert boyfriend. Only you Ralph Lauren, until my last breath, I promise. " Zairene utter before kissing Ralph's forehead.

Tumayo ang dalaga at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya at nagsuot ng safe suit na gawa ng organization to protect her baby. Naglagay din siya ng baril sa hita at tagiliran niya. May maliit na kutsilyo rin sa binti niya at mga bala sa bewang.

Bago tuluyang lisanin ni Zairene ang kwarto at nilapitan niyang muli ang walang malay na nobyo at niyakap ito. Hindi mapigilan ni Zairene ang luhang kumawala sa kanyang mata habang kayakap ang nobyo. Pakiramdam niya ay iyon na ang huli. Pakiramdam niya ay hindi na niya ito mahahawakan at makikita ulit. Natatakot siya sa nararamdamang iyon kaya pilit niya iyong iwinaksi sa isipan.

Hinaplos niya ang maamong mukha ng nobyo at hinalikan ito ng matagal sa labi.

"I love you babe." Bulong niya rito bago tuluyang lumabas ng condo unit.
Madilim pa sa labas pero maliwanag ang pasilyo ng building. Tahimik na nakalabas si Zairene ng building at dali-daling sumakay ng sasakyan niya.

She knows kung sino ang traydor na tinutukoy nito. Alam niya ang rason kung bakit ipinatupad nito ang walang kwentang batas na iyon. For selfish reasons and angriness para sa ina ng nobyo na dating kaibigan nito.

Now she understand everything. Her tita Casmen explain it to her earlier in the cafeteria.

Naiiling na lang si Zairene habang nagmamaneho papunta ng organization.

"Envy and Power, tsk tsk. I can't believe na uhaw ka pala sa kapangyarihan tita Luciana. Sana lang ay hindi mo kasabwat ang anak mo. Dahil ayoko sa lahat ay traydor, at ayokong magkaroon ng traydor na kaibigan kung sakali. " bulong ni Zairene sa habang mabilis ngunit maingat na nagmamaneho.

It's time para ipakilala ang traydor ng organization. It's time para tuluyan ng mabali ang walang kwenta mong batas tita Luciana. It's time.

______________________
A/N: Sinisipag ako kaya may update din mamayang hapon. Enjoy reading!

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Where stories live. Discover now