Chapter Seven

5.5K 164 3
                                    

PAGKATAPOS KUMAIN ng almusal nina Zairene at Ralph sa isang Café na pinuntahan, ay mabilis nilang nilisan ang lugar at bumalik sa organisasyon. Mukhang kumalat na kasi ang balita tungkol sa kanila ng nobyo at ngayon ay umabot na sa mga kaibigan.

"Ang bilis kumalat ng balita. Hindi na ako magtataka kung bukas ipatawag tayo." naiiling na mungkahi ni Ralph sa nobya habang nagmamaneho.

Bumuntong hininga naman si Zairene dahil doon at mahigpit na hinawakan ang kamay ng nobyo.

"Scared?" Ralph asked.

"Yeah, a bit and nervous as well. Iniisip ko kung anong sunod na mangyayari pagkatapos ng araw na ito. " pag-amin ng dalaga habang nakatingin sa labas ng bintana.

"We can make it, okay? Don't worry, we'll fight this. " pagpapalakas ng loob ng binata sa nobya at hinalikan ang palad nito. Tumango lang si Zairene sa sinabi ng nobyo at ini-relax ang sarili.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa organisasyon. Ipinarada ni Ralph ang sasakyan at mabilis na lumabas ng sasakyan. Lumabas na rin si Zairene ng sasakyan at katulad ng kanina, magkahawak kamay silang pumasok ng building.

Hindi na nila pinansin ang mga matang nakatingin sa kanila at dire-diretsong sumakay na lang ng elevator. Pinindot ni Ralph ang black button at may lumabas na mga scanner dun. Isang eye scanner, finger print and gang password para makapasok sa secret room nila. 

Iisa lang ang password para makapasok sa secret room nila.  Personalized ang room na yun at tanging gang lang nila ang may alam sa code para makapasok dun. Kapag may mag-attempt na pumasok sa room na yun, at mag input ng kung ano-anong password, siguradong sa sementeryo ang bagsak at hindi hospital.

"Nandito na pala ang secret love birds!" Sigaw ni Andrei ng makita sina Zairene at Ralph na pumasok ng SR(Secret Room). Tiningnan lang ni Ralph ng masama ang kaibigan at umupo sa isang double sofa kasama ang nobya.

Gone the clingy, pervert and big baby Ralph. He's back on being cold, sarcastic and emotionless again. While Zairene was just showing her poker face to her friends and brother.

"Tsk! Tsk! Akala ko wala kang balak ilabas ang relasyon mo sa kapatid ko eh. " Zeke said while looking at his sister and friend. Ralph just smirk on him and hold Zairene right hand under the table. Napatingin naman dun' ang dalaga pero nagkibit balikat na lang din at pinakinggan ang usapan ng mga kaibigan.

"I'm just waiting her approval" sagot ni Ralph at itinuro ang dalaga gamit ang isang kamay. Napataas naman ng kilay si Zeke dahil doon. Pagkuwa'y sinandal ang katawan sa sofa.

"Anong balak niyo ngayon?" Singit ni Liam habang nakaharap sa laptop niya.

"Yeah, anong balak niyo? Siguradong gulo 'to kapag nalaman ng Planners. " Caleb na umiinom ng Chuckie.

"Hindi 'to palalampasin ng Planners. Ikaw ang dehado dito dude. Ikaw ang mas mahihirapan. " Blake na may hawak pang unan.

"I agree. Dahil si Zairene, pwedeng mapatalsik lang sa organisasyon bilang next Queen, pero ikaw... " Lintaya ni Keir at umakto ng gilit sa leeg habang nakatingin sa kaibigan.

"You'll be dead for sure." Dugtong ni Craige dito. Habang sina Cole, Van, Caleb at Zairene ay tahimik lang na nakikinig.

Mahigpit na hinawakan ni Zairene ang kamay ng nobyo dahil sa sinabi Craige. She's aware of the possible results, she's aware na pwedeng mapahamak ang binata pero nagtapang-tapangan siya na kaya niya, na kaya nilang lusutan iyon.

"Hindi mo na pwedeng itanggi ang nakita ng marami Zairene. " napataas ng tingin si Zairene sa sinabi ng kapatid. Mataman itong nakatingin sa kanya at parang binabasa ang reaksyon at mga iniisip niya.

"I know that but I can do something para-"

"Leaving me ang marrying the asshole groom na pinili sayo?" Putol ni Ralph sa sinasabi ng dalaga.

Hindi naman agad nakasagot ni Zairene dun' dahil tama ang binata. She can deny na wala silang relasyon at flings lang. Kaya niyang lusutan ang gulo para hindi mapahamak ang nobyo.

'Pero sasaktan mo siya' sigaw ng konsensiya niya.

Pagak naman na natawa si Ralph ng mapagtantong tama nga siya. Mababaliw na siya kakaisip paano lulusutan ang gulo na pinasok nila pero ang dahilan ng pag-iisip niya ng solusyun ay iba pala ang plano.

Binitawan ni Ralph ng dalaga at tumayo. Naglakad siya ng secret room palabas at iniwan ang mga kaibigan at nobya na naroon. Yumuko lang si Zairene at mahigpit na kinuyom ang kamao ng tuluyang makalabas ang binata. Tumayo siya at pumasok sa silid niya sa loob ng secret room at doon ay dumapa.

Kinuha niya ang Cellphone sa bulsa at muling binasa ang mensahe na natanggap kanina habang nag-aalmusal sila ng nobyo.

From: 0965*****09
'Leave my son. You will only in danger  his life. You're not good to him. You're a curse!' 

Iyon ang laman ng mensahe na natanggap niya. Hindi na niya kailangan alamin kung sino iyon dahil  kilalang kilala niya iyon. Isa iyon sa Planners, it's her Tita Casmen Lauren, mother of Ralph.

Huminga ng malalim si Zairene tinakpan ng unan ang mukha. Nasa ganun siyang posisyon ng biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang tiningnan iyon at mabilis na inatake ng kaba ng makita ang ID caller nun.

It's the same number na nag-text sa kanya. It's her tita Casmen! Tumikhim muna si Zairene bago sinagot ang tawag.

"Let's talk. Meet me at the Café, two blocks from the organization. "

Hindi na nakasagot si Zairene sa sinabi ng ginang dahil mabils din nitong pinatay ang tawag. Napapikit na lang ng mariin ang dalaga at napahilot sa sentido bago tumayo.

Hindi na siya nag-ayos at dire-diretsong lumabas na ng silid. Naabutan niya pa ang mga kaibigan na nasa ganun pa ring sitwasyon ng iwan niya. Hindi na niya pinansin iyon at nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng secret room ng magsalita ang kapatid.

"Hindi mo pwedeng takasan ang problema niyo Zai. Harapin mo katulad ng kung paano pilit hinaharap ni Ralph ang gulo. Alam mong siya ang talo sa laro na 'to pero sumusugal pa rin siya para sayo. Wag mo siyang iwan sa ire at lalong wag kang magpadala sa takot mo. Isipin mo kung sino at ano ka. Don't play damsel in distress because you're not a damsel in the first place. You're stress so better give them one. " mahabang lintaya ni Zeke na nagpatigil sa paglalakad ni Zairene. Pagkuwa'y ngumisi ang dalaga sa kapatid at tiningnan ito.

"Yes I'm scared but I never said I'll give up my man little brother. " Zairene said then left the secret room.

It's time to face their enemies one by one. Mamaya niya na kakausapin ang nobyo. Hahayaan niya muna itong magpa-isip at magpahinga.

'You did too much for our relationship babe, let me take the rest now.'

_______________________
A/N: Ang hirap pala magsulat ng tatlong story ng sabay sabay, nalilito na ako hahahhahaha. May fantasy pa akong ginagawa pero hindi ko muna i-ppublish, draft ko muna sila lahat. Tapusin ko muna ang story na 'to. Harhar!

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora