Chapter Fifteen

4.7K 160 12
                                    

NAPALINGON SI Zeke sa mga taong bigla na lang pumasok sa opisina niya. Humahangos ang mga itong lumapit sa kanya dahilan para tumabi ang private investigator na kausap niya.

"Leave for now. Call me kapag may update na." Malamig na wika ni Zeke sa private investigator niya. Tumango naman ito at tuluyan ng lumabas ng office. Nilingon naman ni Zeke ang mga kaibigan niya na basta basta na lang pumasok sa opisina niya.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya sa mga ito.

"Ralph is awake. He's on his way to Sowyer's port right now. " humahangos na sabi ni Keir sa kaibigan.

"Nandun din si Craige. Hahanapin daw niya ang mommy niya." Dagdag naman ni Cole sa sinabi ni Keir.

"Bakit hindi niyo pinigilan?" Nakakunot noong tanong ni Zeke at tumayo mula sa swivel chair niya.

"We tried but they're so desperate. "
Caleb.

"At hindi maganda kapag desperado ang tao." Keir added.

Napahilot si Zeke sa kanyang noo at dali daling lumabas ng opisina. Sumunod naman sa kanya sina Caleb, Cole at Keir.

"Saan tayo pupunta? " bulong na tanong ni Caleb kay Cole. Sinamaan naman siya ng tingin nito at binatukan.

"Baka sa kamatayan gago!" Sagot ni Cole at nilagpasan ang nagkakamot sa ulo na si Caleb.

"Gago yun! Nagtatanong lang ako tapos batok ang sagot. Siraulo." Iritadong bulong ni Caleb at sinundan na lang ang mga kaibigan na nakalayo na sa kanya.

AGAD NA BUMABA SI Ralph sa kotse niya ng makarating siya sa port ng mga Sowyer. Nandun rin si Craige na mas naunang nakarating kaysa sa kanya.

"Wala ba tayong pwedeng sakyan para makapunta sa gitna ng dagat na yan?" Tanong ni Ralph sa kaibigan ng makalapit siya dito.

"I can't see our speed boats here. Kahit ang mga yate hindi ko makita. " Sagot ni Craige.

Napasabunot naman si Ralph sa narinig. He's fucking sure na may kinalaman dito ang mga kaibigan nila. Alam ng mga ito na maghahanap sila kaya inalis ng mga ito ang pwede nilang magamit para makapunta sa gitna ng dagat.

"Damn it!" Sigaw ni Ralph at sinipa ang bakal na nakaharang sa harap nila. Nag-angat ng tingin si Ralph kay Craige na nakakuyom ang kamao habang nakatingin sa dagat. Tumayo siya at dali daling kwenelyuhan ang kaibigan.

"This is all your mother's fault! Kasalanan to ng nanay mo putangina! Kung hindi niya kinuha ang girlfriend ko at sinama sa pagtakas niya, sana nandito si Zairene ngayon. Hindi dapat siya nawawala!" Galit na sigaw ni Ralph at malakas na sinuntok ang kaibigan.

Hindi agad nakabawi si Craige dahil sa gulat pero hindi niya ito masisisi. He knows na kasalanan iyon ng ina niya. May kasalanan din siya dahil may alam siya tungkol sa galit ng magulang niya sa mga ito. Lalong lalo na sa ina ni Ralph.

"Fuck you! Fuck you!" Galit na sigaw ni Ralph habang walang tigil sa pagbagsak ang mga luha niya. Hindi umilag o gumanti si Craige sa suntok ng kaibigan. Tinanggap niya ang lahat ng iyon. Ramdam niya ang galit at poot sa bawat binibitiwang suntok ni Ralph sa kanya. Namamanhid na ang buong mukha ni Craige pero ininda niya iyon at pilit na nagsalita.

"I-im sorry. I'm s-sorry." Nahihirapang sabi ni Craige sa kaibigan.

"Tangina! Hindi mababalik ng sorry mo ang girlfriend ko gago!" Galit na sigaw ni Ralph at muling susuntukin na naman ang duguang mukha ng kaibigan ng may pumigil sa kanya.

"What the fucking hell are you doing Ralph Lauren!?" Galit na sigaw ni Zeke na siyang pumigil sa kamao ni Ralph.

Tinayo naman nina Cole at Caleb ang bugbog sarado na si Craige at inilayo ito kay Ralph na hawak hawak na ni Keir.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Where stories live. Discover now