Chapter Twenty Two

4.6K 186 4
                                    

"DUDE SIGURADO KA BA SA PLANO MO?" tanong ni Keir kay Ralph.

Abala si Ralph sa pag-iimpake ng mga damit niya. Halos lahat ng damit niya ay nilagay niya na sa maleta, even his boxers dahil alam niyang magagamit niya iyon.

"Yeah. Ayoko na maghintay ulit ng ilang taon Keir. Kung hindi niya ako maalala then, ako ang gagawa ng paraan para maalala niya ako." Sagot ni Ralph sa kaibigan.

"Good luck with that. Dapat pagbalik mo dito dala mo na si Zai pati anak niyo." Singit naman ni Caleb sa usapan.

"By the way bro tumawag si daddy kagabi, maayos na daw yung lugar na hiniram mo. Nagpalagay din siya ng mga guards para magbantay sa inyo." Liam said.

"Salamat." Ralph said.

"Dude, tungkol nga pala doon sa obsess na babaeng sunod ng sunod sayo. Ano nga ulit pangalan nun? Kirstine? Krishna-"

"Kristine Sy gago!" Putol ni Cole sa sinasabi ni Blake.

"Salamat sa pagtatama gago mo din." Sarkasamong sabi ni Blake habang masamang nakatingin kay Cole. Itinaas lang ni Cole ang gitnang daliri bilang sagot sa kaibigan.

"What about her?" Tanong ni Ralph kay Blake.

"Tama hinala mo. Kapatid nga ng leader ng Cronus Syndicate ang babaeng yun. Siguradong inutusan yun ng kuya niya para buntutan ka." Blake said.

"At siguradong pinapabantayan na nun ang bawat galaw ni Zai lalo na dahil nagkita na kayo. Knowing Zairene, kahit wala yung maalala ang pero inatake ng kuryosidad, siguradong gagawa at gagawa yun ng paraan para makahanap ng sagot." Mahabang lintaya ni Caleb.

"Agree. Oo nga pala next week lalabas na ng hospital yung gago. Dapat nga bukas na eh, kaso nawiwili na yata dun dahil binabantayan siya ng baby loves niya." Natatawang sabi ni Cole.

"Sarap upakan ng gago. Nagiging pabebe kapag nasa paligid ang baby loves niya." Keir.

"In love eh, denial lang yung siraulong yun." Liam habang tumatawa.

"Nag text si Zeke, wag mo na daw alalahanin yung Cronus Syndicate, siya ng bahala dun. Basta iuwi mo lang daw ng buo ang kapatid niya." Pag-imporama ni Keir kay Ralph.

Tumango tango naman ng binata. "Si Craige?" Tanong ni Ralph sa mga kaibigan pero hindi siya sinagot ng mga ito. Nagtinginan lang ang mga kaibigan niya sa isat isa dahilan para kumunot ang noo niya. "What?"

"Humingi ng leave si Craige kay Zeke. Dinala niya si tita Luciana sa US para doon ipagamot." Blake.

"Tsaka nahihiya sayo. Alam niyang galit ka pa sa kanya kaya mas mabuting sa malayo muna siya." Cole.

"Walang kasalanan si Craige dude. Spare him, labas siya sa kasalan ng mommy niya." Keir.

Hindi naman agad sumagot si Ralph sa sinabi ng mga kaibigan. Alam niyang napaka irrational ng ginawa niya. Hindi na naman siya galit sa kaibigan. Nahihiya lang siyang kausapin ito dahil alam niyang siya ang mali.

'Maybe pagkatapos ng lahat ng ito, susundan ko siya at kakausapin.' Mungkahi ni Ralph sa isipan.

"Oo nga pala, tumawag din si Van. Nanganak na asawa niya. Ninong daw tayong lahat bawal tumanggi. Sasagasaan niya daw ang tatanggi." Caleb said habang tumatawa.

"Siraulo din yung hayop na yun. Kailangan daw tatlong libo pataas ang regalo sa anak niya. May balak atang butasin ang bulsa natin ng gago." Naiiling naman na sabi ni Keir.

Natawa na lang si Ralph sa mga kaibigan. Mabuti pa si Van maayos na ang buhay. Kompleto at masaya. Habang siya inaayos pa rin at pilit na binubuo ang pamilyang nawala three years ago.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن