Chapter Sixteen

4.6K 160 10
                                    

MALAMBOT ANG MGA MATANG pinagmamasdan ni Casmen ang anak. Dinala ito ni Blake roon sa bahay niya at ikwenento na rin ni Blake ang nangyari sa anak. Naaawa si Casmen sa anak niya habang tinitingnan ito. Kung kailan malaya na nitong ipagsigawan sa mundo ang relasyon nila ni Zairene, tsaka naman nawala ang dalaga. Worst is sinasabing patay na kasama ni Luciana.

"Alam kong mahirap para sayo ang nangyayari at tanggapin ang katotohanan, but mommy is here. I will never leave you." Mahinang bulong ni Casmen bago halikan sa noo si Ralph.

Tumayo naman ang ginang at pinatay ang ilaw bago lumabas ng kwarto ng anak. Nagtungo siya sa kanyang opisina sa loob ng bahay at doon ay naabutan niya ang bisitang kanina pa naghihintay sa kanya.

"I'm sorry I made you wait." Hingi niyang paumanhin kay William na nakaupo lang sa single sofa na naroon.

"It's fine." Maiksing sagot lang ni William sa kanya. Umupo naman si Casmen sa kaharap na sofa ng lalaki at nagsalin ng wine sa sariling baso.

"How is he?" Pagtukoy ni William kay Ralph.

"Not good. Kinailangan pa siyang i-sedated para kumalma. Hindi siya naniniwalang patay na si Zairene."
Sagot ni Casmen bago sumipsip ng wine niya.

"Ganun rin naman si Liam at ang mga kaibigan nila. Even Zandro and Thalia. " kibit balikat na dagdag ni William.

"I know. Pero masyadong maliit ang tyansa na buhay pa si Zairene."

"Chance pa rin iyon, Casmen. Gaano man kaliit iyon, tyansa pa rin iyon."

Hindi na sumagot si Casmen sa sinabi ni William. Inubos na lang niya ang wine sa baso niya bago inilapag.

"Nasabi mo na ba kay Ralph ang tungkol sa akin?" Tanong ni William kay Casmen.

Tiningnan naman siya ni Casmen sa mata at umiling. "At his state right now, hindi muna. There's a right time para sabihin sa anak ko kung sino ang tatay niya."

"Anak natin Casmen." Pagtatama ni William sa sinabi ng dating kasintahan. Pinaikot lang ni Casmen ang mata at umiling.

"Nasabi mo na rin ba sa anak mo?" Balik tanong naman ni Casmen kay William. Tumango naman ito bago sumagot.

"Yeah. Liam is open minded. He's cool with it actually. I'm sure Ralph too. They know each other and friends  since they were teen, so it's not hard for them to accept." Paliwag ni William bago diretsong tiningnan sa mata si Casmen. "The only problem is about us."

Kumunot naman ang noo ni Casmen sa sinabi ng dating nobyo at tinaasan ito ng kilay. "Excuse me? What do you mean by 'about us'? " tanong niya rito.

"Well my dear Casmen, we're both single and adult. May anak ako na sarili at may anak pa ako sayo. Our son's knows each other and close friends so what if..."

"What if ano?" Nakakunot noo pa ring tanong ni Casmen kay William na binitin ang sasabihin.

"We get married? Magpakasal tayo since yun naman talaga ang plano natin befo-" hindi na natuloy ang sasabihin ni William ng batuhin siya ni Casmen ng magazine.

"Idiot! Noon yun hindi na ngayon! Marami ng nagbago at nangyare kaya magtigil ka jan." Inis na sabi ni Casmen sa dating kasintahan.

Tinawanan naman siya ni William dahil sa reaksyon niya.

"Stop laughing! Hindi ako nakikipagtawanan!" Galit na saway ni Casmen sa dating kasintahan. Namumula na ang mukha niya sa galit at hiya, pero ang lalaki parang bumalik sa pagkabinata dahil sa lakas nitong mang-asar sa kanya.

"C'mon sweetie, I know you miss me and you still love me darling. Hindi yun basta basta mawawala. And I know you miss my big and long 'friend' too." Taas babang kilay na asar ni William kay Casmen.

"Napakababoy talaga niyang bunganga mong lalaki ka! Lumayas ka  dito bwesit! Hindi pwede dito mga kamanyakan mo!" Sigaw ni Casmen dito at pinagbabato ng libro at magazine si William na naiilagan naman ang mga ito.

"Pakipot. Alis na ako sweetie, babalik ako dito bukas okay? Magpaganda ka para sa akin." Dagdag na pang-aasar pa ni William bago naglakad palabas ng opisina ni Casmen.

Irititado namang binato ni Casmen ang pinto na nilabasan ng binata at pabagsak na umupo sa sofa. Namumula na siya sa pinaghalong inis at hiya dahil sa kalokohan ng lalaki.

'Napakaisip bata!' Sigaw pa ni Casmen sa isipan bago tinungga ang wine. Nasa ganung posisyon si Casmen ng bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya at lumusot ang ulo ni William.

"I forgot to tell you na ang ganda mo pa rin kapag nagagalit. Pero gaya ng sabi ko dati, ayoko sa ganda lang. Gusto ko masarap din dahil nagagalit ang 'kaibigan' ko kapag ganun." Nakangising sabi nito at dali daling isinarado ang pinto ng makitang ibabato ni Casmen ang suot nitong heels sa kanya.

"Punyeta ka William!" Galit na sigaw ni Casmen habang masama ang tingin sa pinto ng opisina.

"DUDE TAMA NA YAN. Ilang alak na naubos mo oh. May balak ka bang magpakamatay?" Pag-awat ni Caleb kay Craige na kanina pa umiinom ng alak.

"I don't care. U-umalis na l-lang kayo! A-alam kong g-galit din kayo sa a-akin! D-dahil a-anak ako ng t-traydor diba?" Lasing na sabi ni Craige na gumegewang na sa paglalakad dahil sa sobrang kalasingan.

Nagkatinginan naman sina Cole, Caleb, Keir, Andrei at Blake sa kaibigan. Naiiling na nilapitan ito ni Keir at tinapik sa balikat.

"Dude, we're not mad. Kung tungkol naman kay Ralph galit lang yun kaya nasabi niya yun sayo at nasuntok ka."

"Nabugbog you mean." Naiiling na singit ni Blake sa sinasabi ni Keir. Binatukan naman ito ni Cole dahil doon at sinamaan ng tingin ng iba.

"Fine nabugbog pero dude, intindihin muna natin yun. Buntis ang girlfriend niya at nawawala. Mahalaga kay Ralph si Zai at mahalaga din sa amin, sa atin. Kaibigan natin yun eh. " Paliwanag ni Keir.

"Oo nga. Tsaka naiintindihan ka namin. Alam naming nahihirapan ka din dahil nawawala si tita, pero Craige hindi ka naman sinisisi. Naiintindihan ka namin kung bakit mo tinago yun. Hindi kami galit dude kaya tama na yan." Dagdag pa ni Andrei na sinang-ayunan naman ng iba.

"Oo nga naman Craige. Mambababae pa tayo habang naghahanap kay tita kay wag mo muna patayin bituka mo. Magkakalat pa tayo ng lahi-Aray! Ano ba?" Biglang sigaw ni Caleb dahil binatukan siya ni Cole.

"Gago! Puro babae nasa isip mong siraulo ka! Alis nga jan! " inis na sabi ni Cole at sinipa si Caleb paalis ng sofa. Nagkakamot na umalis naman roon si Caleb at tumabi kay Keir.

"Bakit nga pala sa bahay ni tita mo dinala si Ralph? Sabi namin dito diba?" Tanong ni Andrei kay Blake.

"Tumawag si tita eh. Siya na daw bahala kay Ralph. Tsaka kakausapin niya rin yun." Paliwanag ni Blake at muling humiga sa sahig.

Magtatanong na sana si Keir kung kumusta na ang lagay ng kaibigan, ng bigla na lang bumukas ang pinto ng Secret Room nila at pumasok ang humahangos na si Liam.

"Anong nangyare sayo?" Takang tanong ni Blake kay Liam.

"May.. May nakita" hinihingal na sabi ni Liam.

"May nakitang ano? Ayusin mo nga pagsasalita mo. Hinga ka muna gago." Mungkahi ni Keir at binato ito ng mineral water. Nasalo naman iyon ni Liam at uminom bago nagsalitang muli.

"May nakitang babae sa isang barangay. Malapit sa pinagsabugan ng yate nila Craige." Imporma ni Liam sa mga ito.

"Babae? Sino?" Tanong ni Cole.

"Hindi pa namin alam. Nandun sina Zeke nauna sa akin. Pumunta lang ako rito para balitaan kayo. " dagdag pa ni Liam.

"Nasaan na ang babae na nakita?" Dagdag na tanong ni Cole

"Hospital na malapit sa barangay na iyon. Kritikal ang lagay."

___________________________
A/N: Ngayon alam niyo na saan nagmana si Ralph. Hahaha.
I wonder sino ang babae na nakita? Si Zairene kaya o si Luciana? Sino sa tingin niyo?

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon