Chapter Six

5.9K 174 1
                                    

MAG-AALAS NUWEBE na ng umaga ng makabalik sina Ralph at Zairene sa organization. Magkahawak kamay silang pumasok roon at tila walang pakialam kung may makakita man sa kanilang dalawang magkasama.

Ang iba'y napapataas ang kilay sa magkahawak nilang kamay, habang ang iba naman ay nagtataka at naiiling sa magkadikit nilang palad.

"So hindi na kayo nagtatago? "

Sabay na napalingon sina Zairene at Ralph sa nagsalita. It's Van, one of their friends na nakataas kilay na nakatingin sa kanila.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Ralph sa kaibigan.

"You can hide it to everyone but never to us, never to the gang." Naiiling na sagot ni Van sa dalawang kaibigan.

'This two is oblivious that they're very obvious from the very start.' Dagdag pa ni Van sa isipan.

"You mean alam mo? Alam ng gang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zairene.

Nakapamulsa namang tumango si Van at sumandal sa pader na kinatatayuan nila.

"Hindi kayo mahirap basahin. Hindi niyo kami maloloko sa 'We are just partners in mission' alibi niyo. We won't buy that reasoning. "

"Then, bakit hindi niyo sinabi? Bakit hindi niyo kami sinumbong sa mga Planners? " takang tanong ni Ralph na sinang-ayunan naman ng dalaga.

Tumaas naman ang kilay ni Van sa tanong ng kaibigan at ngumisi. "Because we're a family. We respect your decision why you're hiding your relationship and we're not against it. We are supporting you two. "

"B-but it's against the rule. Our relationship is against the rules at ang pagtatakip niyo sa amin ay mali. Mapapahamak kayo-"

"Zairene, your brother is the next King of our organization, you're the next queen and we, your friends are part of the second highest level of this organization. " lintaya ni Van. Pagkuwa'y umayos sa pagkakatayo at tiningnan muna ang dalawang kaibigan bago nagpatuloy.

"It's just a rule Zairene, you don't have to be scared. Kaya niyong baliin iyong dalawa, patunayan niyo lang na kaya niyo. Besides, we're just here behind you two. We will support the both you. "

Napangiti naman si Zairene sa sinabi ng kaibigan at hindi maiwasang hindi yakapin ito.

"Thank you Van. " magpapasalamat niya rito. Tinapik lang ng binata ang likod niya at tumingin kay Ralph na nakangiti rin. Nagtanguan silang dalawa ngumiti.

Humiwalay naman si Zairene sa pagkakayakap at lumapit sa nobyo. Humawak siya sa bewang nito at doon ay yumapos.

"I have to go, may mission akong kailangang tapusin ngayon. " pagpapaalam ni Van at mabilis na tinalikuran sila.

Umiling naman si Ralph at napatawa sa sinabi ng kaibigan.

'Mission my ass.'

"Para kang aso sa ngiti mo jan babe. " pansin ni Zairene sa nobyo. Pero nagkibit balikat lang ito at inakbayan siya.

"Nah, may naalala lang ako. By the way, gutom ka na? Almusal tayo." Hindi na nakatanggi si Zairene ng hilahin siya ng nobyo palabas ng organization.

Lingid sa kaalaman dalawa ay may mainit na matang nakatingin sa kanila. Isa iyon sa Planners na may itinatagong pagkamuhi sa mga magulang ng dalaga.

"I didn't know na ang susunod pa na Queen ang magnanais na baliin ang batas na ipinatatag ko. " naiiling na sabi ng babae at humithit ng sigarilyo.

"Oras na para mapunta sa akin at sa anak ko ang pinaghirapan namin. Anak ko ang dapat na mamuno ng organisasyon na ito. Hindi ang mahihinang anak mo Mondragon. " dagdag pa ng babae at dahan dahan na naglakad paalis sa kinatatayuan.

Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng harangin ng isang lalaki na kanina pa pala nakikinig dito. Isa iyon sa mga kaibigan ni Zeke na siyang sinasabing anak ng babae.

"Son. " pagtawag ng babae sa anak ng makita niya itong walang emosyon na nakatingi sa kanya.

"Stop whatever your planning is mom. " mungkahi ng anak niya sa kanya na nagpatawa lang sa babae.

"Wala akong ginagawang masama anak ko. Ngunit ang anak ni Mondragon meron. Lumabag siya sa isa sa mga batas na meron-"

"Na pinagtakpan namin. "Putol ng binata sa sinasabi ng ina, dahilan para manlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?! " gulat na tanong ng ginang sa anak.

"Shock? Yes I know everything mom, and I, together with the gang is supporting their relationship. "

"No! This can't be! She's the next Queen of organization right? She should have known how to obey simple rules inside this-"

"A useless rule na ipinagpilitan mo dahil sa makasariling rason. Ikaw lang naman ang nakaisip at nag-suggest ng walang kwentang batas na yun. Dahil takot ka, makasarili ka at ayaw mong maging masaya ang kai-" Hindi na natuloy ng binata ang sinasabi ng malakas na sampalin siya ng ina.

"Shut the hell up! Wala kang alam kung bakit ko ginawa ang bagay na batas na iyon! Lahat ng ginagawa ko ay para sayo, para ikaw maagaw mo ang posisyon ng pagiging hari sa anak ni Mondragon! Ikaw dapat ang susunod na King! Mas malaki ang pinaghirapan ko para sa organization na 'to kaya dapat ikaw-"

"Ikaw lang ang may gusto sa bagay na yan mom. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na agawin sa kaibigan ko ang posisyon. At lalong hindi ko gustong maging sunod na hari ng organi-"

"Tumahimik ka! Sa ayaw at sa gusto mo ay susundin mo ang gusto ko para sayo. "

"Hindi ko kailanman t-traydurin ang mga kaibigan ko mom. " sagot ng binata at tumalikod sa inang nanggagaliiti sa galit.

"I will disown you sa oras na suwayin mo ako! " sigaw ng ina niya na nagpatigil sa paglalakad ng binata. Umiling ang binata at ngumiti ng mapait. Pinigilan niya na tumulo ang luhang nagsisimulang mamuo sa mga mata bago sumagot.

"Nakalikutan mo na yata mom, you already disown me ng mamatay ang kapatid ko. You blame me his death remember? You disown me that day too. " mapait na turan ng binata at tuluyan ng nilisan ang lugar na kinaroroonan ng ina.

Habang tigalgal naman na nakatayo roon ang ina niya at lumuluha.

"I was doing this for you. Bakit ba hindi mo ako maintindihan? " bulong ng ginang sa hangin habang nakatingin sa anak niyang naglalakad papalayo. Pinahid niya ang mga luha at pinatapang ang ekspresyon. Pagkuwa'y nagsimula ng naglakad paalis.

'A rule is a rule, at sisiguraduhin kong mapaparusan ang dapat parusahan. ' dagdag pa ng ginang sa kanyang isipan at pinagmasdan ang basag na litrato na nakatago sa ilalim ng drawer niya.

"Mukhang anak mo ang magbabayad sa atraso mo sa akin mahal kong kaibigan. " ngisi ng ginang habang kinakausap ang magandang babae sa litrato.

'Casmen Lauren & Luciana Sowyer. '
Best Friend Forever.

___________________
A/N: Bakit kaya nadadamay tayong mga anak sa past ng mga magulang natin? I wonder why. Bakit hindi na lang nilang hayaan na maging masaya tayo, right? Mga bitter kasi.

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Where stories live. Discover now