Chapter Twenty Nine

4.9K 146 0
                                    

MAGHAPONG NAKABUSANGOT si Ralph sa buong kabahayan. Ngumingiti lang ito at tumatawa kapag nasa harap ng kambal, ngunit kapag si Cray ang kaharap nito ay para itong batang nakanguso at nakasimangot dito.

"Don't give me that look babe." Mungkahi ni Cray habang nakaupo sa mahabang sofa at nagbabasa ng magazine.

"Tsk! Hindi ka ba naaawa sa akin? Kagabi pa ako hirap na hirap. Sa sahig mo ako pinatulog kahit malamig." Nagmamaktol na sabi ni Ralph sa dalaga.

"May comforter at unan akong binigay. Kasalanan mo na yun kung hindi mo ginamit." Taas kilay na sagot ni Cray sa binata.

"Kahit na!-"

"Are you shouting at me Lauren?" Matigas na saad ni Cray habang nakatingin sa binata.

"Of course not babe!--I mean syempe hindi. Sabi ko nga sa sahig ako matutulog mamaya hanggang sa matapos ang buwan na 'to."

"Good to hear that."

"Pero babawian naman kita sa mga susunod na buwan." Bulong ni Ralph sa sarili at lihim na ngumisi.

"Saying something Lauren?"

"None babe. Sabi ko magluluto na ako ng hapunan natin. May request ka ba?" Agad na tanong ni Ralph sa dalaga.

"Kalderitang baka at menudo ang akin. Fried chicken with sweet sauce ang sa kambal."

"On it babe." Masayang sabi ni Ralph at lumapit kay Cray. Akmang hahalikan niya sana ito sa labi ng idinuro ni Cray ang hintuturo nito sa noo niya upang pigilan sa pagtangkang paghalik.

"Magluto ka na. Bawal ang humalik, yakap, hawak o tabi sa pagtulog ng isang buwan diba?" Taas kilay na paalala ni Cray sa binata na nakasimangot na naman.

"Tsk! Nagbabakasakali lang namang makalusot." Bulong ni Ralph habang naglalakad palayo sa dalaga.

Naiiling na lang si Cray sa pinagsasabi ng binata at sa kakulitan nito. Talo pa nito ang kambal kung mangulit sa kanya. So childish.

'And you love the childish part of him.'

'Yeah I love him-'

Napatigil si Cray sa pagsagot sa isip niya ng mapagtanto ang sinasabi. It feels so natural claiming her love for Ralph.

Pinakiramdam niya ang puso niya at hinawakan ang dibdib. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso. Sunod niyang hinawakan ang mga labi at doon niya napagtanto na nakangiti pala siya.

'Oh God! Ganun ko ba kamahal ang lalaking yun kaya kahit wala akong maalala ay ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin?' Tanong ni Cray sa isipan

'Maybe. Maybe I love him that much.  Kaya nga nawalan ako ng alala dahil sinakripisyo ko sarili ko para sa kanya.' Dagdag pa ni Cray sa isipan bago isinandal ang katawan sa sofa.

'Damn Lauren! Anong pinakain mo sa akin para mabaliw ako ng ganito sayo?'





"ANONG GAGAWIN NATIN sa baliw na  yan?" Tanong ni Caleb kay Blake na abala sa pagkalikot ng kung ano sa laptop nito. Kasalukuyan kasi silang nasa opisina ni Ralph. Inutusan sila ni Zeke na pansamantalang mamahala sa kompanya nito.

"Dunno. Send her away." Bored lang na sagot ni Blake sa kanya.

Tumingin naman si Caleb sa secretary ni Lauren at nagkibilit balikat dito. "Send her away daw. Wala dito hinahanap niya."

Ngumiwi naman ang secretary ni Ralph sa sinabi ni Caleb bago nagsalita. "Sir kanina pa po yan pinapaalis ng mga security pero nagmamatigas. Nageeskandalo na nga po sa labas eh. Sigaw ng sigaw na wag niyo daw itago si Sir Ralph."

"Tsk! Siguradong ubos buhok ng babaeng yun kapag si Zai ang makaharap niya." Bulong ni Caleb habang umiiling iling. "Hey! Lalabasin ko muna yung kapatid ni Kristoff. Lakas ng tama ng magkapatid na yun kina Ralph at Zai."

Tumango lang si Blake sa kanya bilang pagsagot. Tiningnan naman ni Caleb ang secretary ni Ralph at nginitian ito.

"Ako ng bahala. Just go back to your work."

"Thank you sir." Sagot ng babae bago tuluyang umalis.

Naglakad naman si Caleb papuntang elevator at pumasok dun'. Agad niyang pinindot ang ground floor button at hinintay hanggang sa magbukas iyon. Nang magbukas ang elevator ay agad na lumabas si Caleb roon. Agad na bumungad sa kanya ang mga security na nagkalat sa baba at mga nakikiusyosong empleyado.

"Go back to your works!" Malakas na sigaw ni Ralph. Mabilis namang nagsigalawan ang mga ito at bumalik sa kanya kanyang trabaho. Nilapitan naman ni Caleb ang babaeng kanina pa nageeskandalo at hawak ng dalawang security.

"Ms. Kritine Sy, it's rude to make scandals on my friend's company." Seryosong saad ni Caleb sa dalaga.

"You! Where's my boyfriend?!" Malakas na sigaw ni Kristine at dinuro siya.

"Boyfriend? Who's boyfriend?" Natatawang tanong ni Caleb sa babae. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kristine bago sumagot.

"The owner of this company. Ralph Lauren is my boyfriend asshole!" Galit na sagot ni Kristine sa kanya.

Umiling-iling naman si Caleb at seninyasan ang mga security na bitiwan ang dalaga at magsibalik na sa kani-kanilang trabaho.

"Tsk! Bwesit!"inis na sabi ni Kristine ng bitiwan siya ng mga security na may hawak sa kanya.

"Ms. Sy, I think inaantok ka pa. Impossibleng si Ralph ang boyfriend mo. May fiancee na yun eh. Baka nag-iilusyon ka lang." Natatawang imporma ni Caleb sa dalaga.

Hindi naman agad nakasagot si Kristine at halata sa mukha nito ang pagkapahiya dahil sa sinabi ng binata.

"Asshole! He's my boyfriend-"

"In your dreams, yes. But in reality never. Not even the title of being his mistress so back off."

"Bastard!" Inis na sigaw ni Kristine.

"Watch your words woman, baka makalimutan kong babae ka."? Matalim na sabi ni Caleb sa babae na ngumisi lang sa kanya.

"Masakit ang katotohanan right?" Pang-uuyam na sabi ni Kristine sa kanya.

"Yeah, masakit talaga. Lalo na ang ilusyon mong boyfriend ang kaibigan namin."

"How-"

"Leave. Hindi na ako magsasalita ulit. Leave and back off. Wala ka ng mapapala sa kaibigan namin so better to back off and fuck other assholes out there." Seryosong sabi ni Caleb sa dalaga habang masama ang tingin dito.

"Fine! Aalis ako pero hindi namin kayo tatantanan. Watch and beware, nasa paligid lang ang kalaban niyo." Ngising sabi ni Kristine at tumalikod. Ngunit hindi pa ito nakakailang hakbang ng pumihit na naman ito paharap. "Kung desperada ako then mas desperado ang kapatid ko. For sure as of now alam na niya kung nasaan si Cray, at kung hindi man... Siguradong gagamitin niya ang alas niya para mapalabas si Cray. Just wait and watch the coming war. " seryosong sabi ni Kristine bago tuluyang lisanin ang lugar.

"Bitch." Iling nq bulong ni Caleb habang nakatingin sa pinaglabasan ni Kristine Sy.

Agad namang kinuha ni Caleb ang cellphone niya para tawagan si Zeke. Kailangang malaman ng binata ang sinabi ng dalaga. Dahil kung totoo man iyon, siguradong nasa panganib sina Ralph at Zairene ngayon.

"Delikado."














_____________________
A/N: Sorry sa late update. Nabbusy din ako this past few days ay sa mga susunod na araw. Kailangan kong kompletohin ang requirements ko para maging officially enrolled this school year. Hope you understand.
By the way enjoy reading. 😊😊

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora