Automatiko kaming napa-upo ng maayos at napatingin ng diretso.

"Anong ginagawa niyo? Ba't kayo nakatingin sa tv eh off naman yan?" nagtatakang tanong ng daddy ni Kai.


Bigla bigla namang kinuha ni Kai yung remote tsaka inon yung tv.


"Weird niyo." rinig kong komento ng dad ni Kai.


Napayuko at natawa. Para kaming mga baliw talaga.

Tinignan niya ako bigla and he frowns. "Anong nakakatawa?"


I looked at him with a poker face.
"Seriously you're weird, as if wala ni katiting na sense of humor sa katawan mo."


"What? Sense of humor? Ako. Wala?"


"Yeah wala." sagot ko tsaka tumayo.

Pero bigla niya akong hinila pa-upo kaya napa-upo ako sa kandungan niya.

"Gusto mo bang pakitaan kita ng ibang sense my wife?" bulong niya sa tenga ko.

Goosebumps.


"Huh?" wala sa sarili kong tanong. Our position is starting to get a bit awkward. Kinakabahan pa ako.


"Sense of love, gusto mo?" bulong niya ulit.


"Lo...love?" nauutal na tanong ko.


"Yes wife." he whispers through my ear again.

He gently bit my earlobe. Oh gosh...

"Teka Kai..." my voice was as weak as my will.


"May kwarto kayo, dun niyo yan gawin baka magising bigla si manang at makita pa kayo." agad kong natulak palayo si Kai at tumayo.


Nakakahiya! Nung una mommy ni Kai nakahuli ngayon daddy naman niya. Ano ba!!!

Sobrang pula na ng mukha ko. Hindi na ako makatingin ng diretso kay Kai.

Narinig ko na lang na tumawa siya ng konti.

"Let's sleep wife." sabi niya tsaka bigla akong inakbayan, inoff na rin noya yung tv.


Pilit kong tinatanggal yung kamay niya pero ayaw niya akong payagan. Naririnig ko pa yung pagtawa niya.


"Di ba gusto mong mag-usap tayo?" tumango ako. "Then hayaan mo akong akbayan ka para patawarin kita." ano to blackmail?


"Tssk." I can't help but to let out a tssk

Nang makapasok na kami sa kwarto ay inalis na rin naman niya yung pagkaka-akbay sa akin.

Bigla na lang siyang humiga sa kama tapos nag hand gesture sya na patabihin ako.

I just rolled my eyes, andaming alam na ka-artehan ng lalaking to,

Umupo ako dun sa kabilang side ng kama.

"Kai una sa lahat matagal na kitang gustong kausapin kaya sana naman umayos ka na. Wag ka ng madrama okay?" panimula ko.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon