Napatingin ako kay Denver. Yung mukha niya mukhang ewan na parang nasusuka na. Di maipinta eh, gusto ko ngang matawa sana kaya lang pinigilan ko.

"Ahh oo may nililigawan kasi to, humihingi ng tulong." ako na lang sumagot para sa kanya, kasi alam kong di na makakasagot tong baklang to.

"Owww sino ba yan?" nakangiting tanong ulit ni Tristan.

"Ikaw." sagot bigla ni Denver.

"Huh?" nagpalipat lipat yung tingin ni Tristan saming dalawa ni Denver.

"I.... I..m..mean kung ikaw ba anong gagawin mong panliligaw. Yun.... Yun yung ibig kong sabihin." palusot ni Denver.

"Ahhhh hmm ako?" napa-isip si Tristan at napa-upo sa tabi ko. "Simple lang naman, di naman kasi humihingi yung taong mahal ko ng kung anong mga materyal na bagay, kaya gumagawa lang ako ng mga simpleng efforts basta makita ko lang na masaya siya... Diba Xyriel?" tumingin pa siya sakin nang sabihin niya yung pangalan ko, napatingin din ako sa kanya, our eyes met.

Shit!

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw....

Aaaahhhhhh

"Shit!" naputol yung pagtititigan namin nang biglang sumigaw si Denver.

Di naman bakla yung pagkakasigaw niya kaya di halata.

Napatingin kami sa kanya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Ano... May nadulas lang dun sa field na babae." cool na sagot ni Denver.

Sabay pa kaming tumingin ni Tristan sa field.

"Asan?" tanong naman ni Tristan.

"Dinala na nung mga kaklase niya." sagot naman ni Denver.

"Ahhhh."

"Nga pala bakit ka nga pala pumunta dito? May kailangan ka ba kay Xyriel." tanong ulit ni Denver. Ay oo, nakalimutan kong itanong...

"Tama tama, ano may game kami mamaya ng basketball, itatanong ko lang sana kung free ka ba." sagot naman ni Tristan.

"Huh? Ahhhhh"

"Oo free si Xyriel, sasamahan ko siya mamaya sa game niyo pare." si Denver na yung sumagot.

Ngumiti naman si Tristan.

"Sige sige aasahan ko kayo."

Nagpaalam na si Tristan sa amin.

"Ay nako te!!! Grabe yung titigan niyo kanina, pang love team!" agad na sabi sakin ni Denver nang kami na lang dalawa yung naiwan.

Napatawa ako at napa-iling.
"Walang babae na nadulas kanina ano?"

"Wala nga." nakangising sagot niya. "Sumigaw lang ako para putulin yung moment niyo, nakaka-inggit eh."

"Sabi ko na nga ba eh." sabi ko pa.

"Tara na te, baka ma late pa tayo; manunood pa naman tayo ng laro ni papa Tristan mamaya." sabi niya at hinila ako patayo.

Sobrang close naming dalawa na aakalain mong magnobyo kami. Hay nako talaga....

********

"Yeesss! Tara na girl excited na akong makita ang varsity, ang daming hot na boys dun! Ulalam." masayang sabi ni Denver at pinipilit akong hilain palabas ng room.

"Oo na, ito na. May itetext lang ako, sasabihan kong malelate ako ng uwi." sabi ko habang hinahanap yung phone ko sa bag ko, di ko makita. Asan na ba yun?

Sa wakas ito na! Nakapa ko na yung telepono.

Shit wala ng battery! Paano pa ako makakatext?

"Ano? Wala ng battery? Sakin ka na lang makitext." sabi naman ni Denver.

"Di ko kabisado number eh." sagot ko pa.

"Ilagay mo yung sim dito sa phone ko!" suggest niya ulit.

"Sa phone na save yung number." sagot ko naman.

"Ay nako eh di wag mo na itext. Tara na teh, late na tayo ng 2 minutes!" sabi niya ulit at hinila ako.

*
Kai's POV

"The subscriber's cannot be reached..." tinapon ko yung telepono ko.

Bwesit! Ba't di macontact yung babaeng yun?

"Wala pa rin ba? Di pa rin macontact si Xyriel?" tanong ni mommy sakin.

"Hayaan niyo na yun mom, baka kasama yung kaibigan niya ngayon." sagot ko kay mommy. Baka nga yung lalaking yun na naman kasama nun tsssk. Dalawa pa talagang lalaki yung umaaligid sa kanya ha.

"Okay lang yun anak, uuwi din dito yun maya maya." sabi ni mommy tapos hinaplos yung balikat ko. "Happy birthday anak." tapos niyakap niya ako.

Oo nga pala, birthday ko. Di ko sinabi sa kanya kasi akala ko maaalala niya pero na-disappoint lang ako.

"Yeah happy birthday to me." walang ganang sabi ko.

----------

Oh nooo....

.

.

.

Andyan na si crush

Lol

Waley

Tssk

VOTE
COMMENT
RECOMMEND
BE A FAN

Never_TheLess

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now