Chapter 29 - Slave and Not Nurse

Start from the beginning
                                    

"Sabi ko sa'yo,,,, huwag kang magulo eh..."

 

 

 

 

 

"James... Nandito na ang food..."

 

Hindi natapos ni Annika ang sasabihin niya ng makita ang ayos namin. Napaawang na lang ang labi niya. Bigla naman akong napatayo sa sobrang kahihiyan. I'm sure, pulang-pula ang mukha ko ngayon. Kasi naman eh... Baka kung anong isipin ni Annika. Kung bakit kasi may pahila-hila pang nalalaman itong ungas na ito eh. Ehhhhh.... Pakiramdam ko maiiyak na ako.

It's so embarrasing.

After ng ilang segundo, iyong nakaawang na labi ni Annika ay naging isang malapad na ngiti. "I'm sorry... Am I interrupting something?" Tanong nito na hindi pa rin mapaklis ang ngiti. Kung ano man ang iniisip niya, hindi iyon maganda.

"Naku Annika... Nagkakamali ka... Ah--ah-ah-ano kasi...."

 

"Na out of balance lang siya..." Napatingin ako kay Nathaniel. Na out of balance? Hindi naman ganoon ang nangyari ah....

Pero mukhang mas okay naman iyon, kaysa sabihin ko dito na hinila talaga ako ni Nathaniel paupo sa kanya.

"Tama... na out of balance ako." sabi ko sabay ngiti. Awkward na ngiti.

 

"Sabi niyo eh. Ano pa bang magagawa ko? Anyways nandito na iyong food na ipinaluto mo."

 

"Let them in." Sabi nito sabay tayo. Tapos ay naglakad na ito papunta sa dining table. Kung magsalita ito parang wala lang nangyari kanina. Samantalang ako, feeling ko ay hindi pa rin ako makagalaw. Ako lang ba ang affected sa nangyari? Or masyado lang talaga akong O.A. at ganito ako ka affected sa nangyari?

Mayroon palang chef dito sa school na designated lang para ipagluto silang magkakaibigan. Eh anong ginagawa ng cafeteria? Di ba kumakain din sila dun?

Para namang nakita ni Annika ang pagtataka sa mukha ko kaya ipinaliwanag niya sa akin.

"Dahil kina Dominic... Sabi kasi nila sobrang boring daw dito. Wala man lang ibang tao, and on top of it, wala man lang girls na pwede nilang pormahan. Kaya, nakiusap sila na kung pwede ay doon kami kumain sa cafeteria paminsan-minsan. Paminsan-minsan lang naman."

 

Napatango na lang ako. Ganun pala. Kung hindi pala, dahil kina Dominic ay sana hindi kami magkakatagpo ng landas ng ungas na ito. Na kung umasta ay daig pa ang prinsipe.




"ANO BA..." Naalerto ako sa pagsigaw ng ungas. Wala na palang laman ang bibig niya. Dali-daling sinubuan ko na siya. Tama ang narinig niyo, sinusubuan ko ang kumag na ito. Kanina ay inutusan niya ako na maupo sa tabi niya. Naupo naman ako. Pero ng tumunganga lang ako ay pinanlakihan niya ako ng mata.

"Hmmm? Bakit?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasi talaga akong kaide-ideya sa gusto niyang sabihin. Tapos ay ipinakita niya sa akin ang braso niya. Hindi ko pa rin maintindihan.

"Bakit nga?"

 

Narinig kong tumawa si Annika kaya napatingin ako sa kanya. "Ano ka ba naman Diana. Naglalambing iyang si James. Subuan mo daw siya."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now