Kabanata L - Chapter 50

Start from the beginning
                                    



Kaagad namang itinayo ni Charlie si Haring Silveo. "Ayos lang, ama... Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa 'yon. Huwag kang mag-alala sapagkat burado na iyon sa isipan ko. Mahal ko kayo at bago palang kayo humingi ng tawad ay napatawad ko na kayo ng lubos."



Sunod namang lumapit si Reyna Tamina sa anak habang humahagulgol, kaagad namang niyapos ng ina ang anak niya. "Sa wakas... Nahagkan na din kita, anak ko." umiiyak na saad ni Reyna Tamina kay Charlie.



"Masaya din ako, ina. Masayang-masaya. Ngunit hindi ngayon ang oras para mag-iyakan, kailangan nating lahat lumaban. Ilang oras nalang ay dadating na rito sina Tariwa at Shakira. Kailangan ko silang labanan." ani Charlie.



Kaagad naman naalerto ang ina ni Charlie. "Ako na ang lalaban kay Tariwa. Madaming kasalanan ang isang 'yon sa'kin, kailangan niya nang magbayad." seryosong sambit ni Reyna Tamina.



"Ako ang lalaban sa Hari ng mga Darkenians na si Arthur. Ang ibang mga estudyante ay nakikipaglaban na sa mga kawal ng Darkenians. Kailangan na natin silang tulungan. Marahil, may mga namamatay na ngayon." ma-awtoridad na usal ni Haring Silveo.



"Kaming mga Royalties ang lalaban sa ibang mga kawal ng Darkenians. Lalo na sa mga malalakas na kawal nito, may mga halimaw ding ipinadala ang mga Darkenians sa Arteya..." ani Divina.



Tumango lang ang mga Reyna at Hari. "Ipapatawag ko ang mga kawal ng bawat kaharian para tumulong lumaban. Baka nga, sobrang dami ng mga Darkenians at may ipinadala din sa mga bawat kaharian. Mas mainam kung umuwi muna kami sa mga kaharian namin. Kami na din ang mag-aasikaso sa Arteya Kingdom habang wala roon si Reyna Tamina at Haring Silveo." kalmadong tugon ng isang Hari.



Tumango naman si Haring Silveo rito. "Maraming salamat, kaibigan. Mag-iingat kayo."



Tumango ang mga Reyna at Hari, sabay nag-teleport. Ang mga Royalties na lamang ang natira pati na rin sina Reyna Tamina at Haring Silveo.



Sinenyasan naman ng mga Royalties si Charlie na mauna na sila, tumango naman si Charlie at sumenyas din na mag-iingat sila. Umalis na ang mga Royalties mula sa gymnasium.



"Hahanapin ko lamang ang Hari ng mga Darkenians. Mag-iingat ka, anak, Tamina." ani Haring Silveo at tumingin sa'min, tinapik niya din muna si Coldy.



"Mag-iingat ka, ama." tugon ni Charlie.



Tumango naman ang ama nito at lumabas na ng Gymnasium, sumabay na din si Reyna Tamina rito. Sina Coldy at Charlie na lamang ang naiwan sa loob.



Siniko naman ni Charlie si Coldy. "Ilayo mo rito ang mga estudyanteng hindi pa kaya lumaban, tumulong ka na rin sa mga Royalties para maubos ang mga Darkenians."



Tumango naman siya. "How about you?" kunot-noo niyang tanong.



"I'll going to find Shakira. Magtutuos kami." seryosong tugon ni Charlie.



Hinawakan niya naman ang mga kamay ni Charlie. "Take care, baby... Promise me that you'll comeback safe."



Charlie nodded. "I promise. Mag-iingat ka din."



Tinitigan niya muna si Charlie at hinalikan sa noo bago naglaho. Napabuntong hininga nalang ang dalaga. Napapikit muna siya bago maisipang tumakbo papalabas ng gymnasium.



Nakarating naman siya sa hallway ng mga dorm. Ang bawat kawal ng mga Darkenians na nadadaanan niya ay pinapatay niya.



"Bullshit. Nasaan ang ibang mga estudyante!?" iritado niyang bulong.



Nakarating naman siya sa quadrangle kung saan madaming naglalabang estudyante at mga Darkenians. Dumako naman siya sa isang babaeng sa tingin niya ay si Shakira, lumawak naman ang ngisi niya.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now