Kabanata XLVIII - Chapter 48

Comincia dall'inizio
                                    



Dahan-dahan naman itong tumango. "Tungkulin kong pangalagaan ang lahat ng mabubuting nilalang sa buong kalawakan. Ngayon, humayo ka na. Hindi na ako maaaring magtagal pa rito."



Kumunot naman ako. "Ngunit, bakit? Hindi ba't ikaw ang diwata ng kalikasan? Dapat ay manatili ka rito."



Tipid itong ngumiti sa'kin. "Paumanhin, Prinsesa... Hindi ko maaaring sabihin sa'yo, mahabang istorya... Ika'y humayo na... Paalam, nawa'y magtagumpay ang iyong nakalaang tadhana."



Marahan naman akong tumango. "Naiintindihan ko, diwata. Maraming salamat sa iyong tulong. Paalam, hanggang sa muli nating pagkikita."



Ngumiti ito sa'kin bago maglaho. Napahawak naman ako sa likod ko, nararamdaman kong wala na ang mga malalalim na sugat na dala ng latigo. Tunay ngang hindi pang-karaniwan ang ininom kong halamang gamot. Gumaling na ang mga sugat at pasa ko, pati na rin ang pisikal na sakit na nararamdaman ko. Ngunit, ang kapangyarihan ko ay hindi pa rin nanunumbalik.



"Magagamit ko kaya ang teleportasyon ko?" bulong ko sa aking sarili.



Wala akong kasiguraduhan kung magagamit ko ang teleportasyon ko dahil hindi ko pa kayang gamitin ang kapangyarihan ko. Pero, sana naman ay magamit ko dahil mahaba-haba ang aking lalakadin kung sakali mang hindi gumana ang teleportasyon.



Sinubukan ko naman na gamitin ang teleportasyon. Napangiti ako nang makarating ako sa harap ng bahay ng isang segundo lamang.



Paika-ika pa akong naglakad papasok sa loob ng bahay ko. Ni hindi man lang ako nakapag-dala ng damit. Sana lang ay mayroon pa akong damit na babalikan. Wala pa akong mas'yadong kapangyarihan upang mag-duplicate ng pera.



Padabog kong isinarado ang pinto, padabog din akong umupo sa sofa at humiga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang kapaguran lalo na't ito din ang payo sa'kin ni Diwatang Hiraya.



-



After a few days...



Divina's POV



"Kamusta na kaya si Charlie?" bulong sa'kin ni Trisha.



Nagbuntong hininga na lamang ako. "I hope she's fine. Kahit naman gan'to ang situation namin, I still love her..."



Nasa classroom kaming mga Royalties. Papasok na kami dahil tapos na ang mission naming lahat and it was successful. Kaso, ramdam mo ang tamlay ng bawat isa. Simula kasi nang mapatalsik si Charlie ay nagkaganito na lahat.



"I miss Charlie. I really miss her a lot." nalulungkot na tugon ni Trisha.



"Shh. Baka may makarinig pa sa'yo na pinag-uusapan natin siya. Baka maparusahan o mapagalitan ka pa." pananaway ko rito.



Simula din kasi nang maparusahan si Charlie, ipinagbawal na ang usapan tungkol sa kan'ya. Bawal na din banggitin ang pangalan niya, ang lalabag sa nasabing batas na ito ay paparusahan. Wala na ding lagusan papunta sa mundo ng mga tao, isinarado na ito. Sa kadahilanang maging maayos ang mundo ng mga mahika.



Tumango naman ito at itinuon ang pansin sa klase. This past few days, simula nang mapatalsik si Charlie ay naging mas malamig si Coldy. Walang may alam kung ano ang nasa isip niya dahil nakasarado ito. Wala itong kinakausap, kahit na ako. Kung kakausapin ko naman ito, tango at iling lang ang ginagawa niya. Nakatikom palagi ang bibig nito. I'd understand him, I know he loved Charlie that much.



Discuss


Discuss


Discuss



Nag-bell na, hudyat na recess na. Nagsitakbuhan naman ang ibang mga Royalties papunta sa cafeteria. Unusual, hindi nanaman namin kasabay si Coldy kumain. Umupo na kami sa upuan, kumpleto kami maliban kay Coldy.

The Lost PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora