💒97

46 1 4
                                    

DASHIELL'S POV

Last day na namin ni Shane dito sa apartment. Lumipat na kasi ng bahay yung members ng VIXX, kaya wala na ding sense na mag-stay pa kami dito ni Shane.

"Jowako, ipinagtimpla kita ng kape" pumasok sya at tumabi sa akin dito sa kama.

Kinuha ko naman ang hawak nyang tasa ng kape at tinikman 'yon. As expected, ang sarap pa din. Alam nya kasi na mahilig ako sa kape, parang si Appa.

"Mamimiss ko 'tong kwarto natin, Jowako" -Shane

"Yung kwarto lang? Ang daya ah" tampo ko kunwari. Binangga nya naman ng mahina ang balikat nya sa balikat ko.

"Syempre mamimiss kita katabi" yumakap sya sa akin. Ang clingy talaga eh!

"...Wala na akong payatot na teddy bear"

"Hindi ako teddy bear!" angal ko.

"Seal pala. Seal na plushy na payatot" he giggled.

Mukha na naman syang masayahing aso.

"...Mamimiss kita Jowako~" he hugged me tighter.

Mamimiss din kita.

"Ano ka ba! Parang di naman tayo magkikita sa Unibersidad next sem?" hinampas ko ng mahina ang braso nya.

"Oo nga 'no? Sabay tayo mag-enroll Jowakooo" -Shane

Ayan na naman sya sa pa-aegyo nya. Bat ba ang cute nya mag-aegyo? Bat yung aegyo ko kasing-cringe ng kay Amang Bahaghari?

"Baliw! Magkaiba tayo ng course" paalala ko.

"Okay lang yun! Basta sabay tayo ah?" he parted from me and hold my hand.

I suddenly remembered how I take a photo of him before, without his consent, tapos nahuli nya ako. Kung hindi ko siguro ginawa 'yon, we won't be like this. I'm glad that I did that, and he caught me.

Tumango ako. "Oo, sige"

"Yehey!" he exclaimed habang nakataas pa ang dalawang kamay. Abnormal talaga.

"...Tara na Jowako, baka gabihin na tayo" kinuha nya ang pinag-inuman ko ng kape sa akin.

Inayos ko na ang mga gamit ko, ganun din naman sya. Dinala na namin ang mga 'yon sa kotse nya. Ihahatid nya muna ako bago sya umuwi sa dorm ng ASTRO.

"Ang tahimik mo naman Jowako" pansin ko sa kanya habang nagd-drive sya.

"Wala hahaha medyo kinakabahan lang ako" sagot nya at nakunot ko ang  noo ko.

"Bat ka naman kinakabahan? Ayaw mo pa ba umuwi sa dorm ng ASTRO?" -me

"Syempre gusto. Basta! Wag mo na lang ako pansinin" he smiled at me. Ang gwapo nya talaga. Mainggit kayo.

Hanggang sa makarating na kami sa village. Hinatid nya ako hanggang sa tapat ng bahay namin. Tinulungan nya din ako magbaba ng gamit ko bago sya nagpaalam sa akin na uuwi na daw sya.

I waved at him habang pinapanood ang pag-alis ng kotse nya. Mamimiss ko talaga sya.

"KABIBE!" lumapit sa akin yung mag-jowang mongoloid. In fairness at mukha na talaga silang couple ngayon ah?

"Tulungan nyo ako mag-akyat nitong mga 'to" utos ko sa kanila.

"Sa taas?" -Haegeum

"SA BABA, Geumi. Pwede ba mag-akyat sa baba?" -me

"Ah sa baba...saang baba? May underguard na yung bahay nyo?" -Haegeum

Anak ka ng Dumplings nga naman!

Unibersidad de Wanna OneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα